^

PSN Palaro

Tolentino out na sa semis

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Tolentino out na sa semis
Sina Sisi Rondina at Isa Molde ang mga aasahan ng Choco Mucho kontra sa Farm Fresh.
PVL photo

Choco Mucho babangon agad vs Foxies

MANILA, Philippines — Hindi sumabak si Kat Tolentino sa huling limang laro ng Choco Mucho dahil sa kanyang tinatawag na ‘auditory condition’.

Sinabi ni coach Dante Alinsunurin na posibleng hindi na makabalik sa aksyon ang 6-foot-3 opposite spiker sa paglalaro ng Flying Titans sa semifinal round ng 2024 Premier Volleyball League All-Filipino Conference.

“Siguro ngayon hindi pa namin alam kung maka­kabalik siya, pero iyon nga pinapalagay na rin namin iyong loob namin na baka hindi na siya makabalik talaga this conference,” ani Alinsunurin.

Lalabanan ng Choco Mucho ang talsik nang Farm Fresh ngayong alas-6 ng gabi matapos ang laro ng mga sibak nang Nxled at Capital1 Solar Energy sa alas-4 ng hapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Bigo ang Flying Titans na maitala ang pang-limang dikit na panalo matapos ang 17-25, 22-25, 19-25 pagyukod sa sister team at nagdedepensang Creamline Cool Smashers noong Abril 18.

Sinabi ng mga netizens na ibinigay ng Choco Mucho ang panalo sa Creamline para tiyak na makakasama ito sa Final Four.

“Lamang talaga sa ka­nila iyong strength nila, then kami kung anong gusto naming gawin sa loob ng court talagang hindi namin magawa,” sagot ni Alinsunurin.

Bagama’t mayroon nang tiket sa Final Four ay gusto pa rin ng Flying Titans na maiposte ang kanilang pang-siyam na panalo sa 11 laro kontra sa Foxies.

“Siyempre, wala naman ding magbabago, pupunta kami sa laro na naka-mindset and siyempre, iyong winning na mindset,” wika ni Sisi Rondina na pumalo ng 17 points sa kabiguan ng Choco Mucho sa Creamline.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with