Lunas sa Premenstrual Syndrome (PMS)
Kung regular kang nakararanas ng pagkalungkot, iritable, pabago-bagong mood bago ang iyong regla, maaaring mayroon kang premenstrual syndrome.
Kaya malunasan ang premenstrual syndrome sa pamamagitan ng lifestyle changes.
1. Baguhin ang iyong diet.
Kumain ng mas kaunti, pero mas madalas para mabawasan ang paglaki ng tiyan.
Limitahan ang asin at maaalat na pagkain.
Pumili ng mga pagkaing mataas sa fiber gaya ng prutas at gulay.
Pumili ng pagkain na mayaman sa calcium tulad ng fat-free, o low-fat dairy products. Pwede uminom ng calcium supplements.
Iwasan ang pag-inom ng kape at alak.
2. Ang regular na pag-e-ehersisyo ay maaaring magpakalma ng maraming mga sintomas.
3. Magbawas ng stress. Ang stress ay maaaring magpalubha sa sintomas ng premenstrual syndrome.
I-plano ang sarili sa loob ng 1 linggo habang inaasahan ang sintomas ng PMS.
Magkaroon ng sapat na tulog
Magsanay ng pang-parelax na therapy. Ang pagsasanay ng malalim na paghinga ay maaaring makatulong na mabawasan ang pananakit ng ulo, pagkabalisa, o hindi pagkatulog.
Kung hindi gumaling ang premenstrual syndrome sa pamamagitan ng lifestyle changes, kumonsulta sa iyong doktor.
- Latest




















