Benepisyo ng ampalaya sa kalusugan
1. Nagpapababa ng blood sugar: Mayaman ang ampalaya sa mga natural na compound tulad ng charantin, polypeptide-p, saponins, at terpenoids na kumikilos na parang insulin na nakakatulong sa mga taong may diabetes.
2. Mayaman sa nutrisyon: Siksik ito sa Vitamin C na nagpapalakas ng resistensya, Vitamin A para sa mata, at mga mineral tulad ng iron at potassium, Calcium, Iron, Thiamine (B1), Riboflavin (B2), Niacin (B3), Folate (B9), Potassium, Zinc, Phosphorus, Magnesium.
3. Nagpapababa ng kolesterol: Ayon sa pag-aaral, ang regular na pagkain nito ay tumutulong na bawasan ang masamang kolesterol (LDL) para maiwasan ang sakit sa puso.
4. Tumutulong sa pagbaba ng timbang: Mababa sa kaloriya at mataas sa fiber ang ampalaya, kaya matagal nitong pinapanatili ang busog na pakiramdam.
5. Malakas na antioxidant: Nilalabanan nito ang mga free radicals sa katawan upang maprotektahan ang mga selula laban sa malulubhang sakit.
6. Anti-inflammatory effect ng polyphenols na taglay ng ampalaya.
- Latest




















