^

PSN Opinyon

EPIRA sa makabagong panahon

SEY NI MANONG JOE - Joe Zaldarriaga - Pilipino Star Ngayon

Dalawampu’t limang taon na ang Republic Act No. 9136 o mas kilala bilang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) of 2001 at napakahalaga ng diskusyon kung natutugunan pa ba ng naturang batas ang pangangaila­ngan ng sektor ng enerhiya sa susunod na 25 taon?

Ito ang isa sa mahahalagang puntong lumutang sa talakayan ng mga lider ng energy sector kamakailan. Para sa akin, malinaw na kailangang sumabay ang ating mga polisiya sa mabilis na pagbabago ng industriya.

Pinunto ni Meralco Executive Vice President at Chief Operating Officer Engr. Ronnie Aperocho, hindi tayo dapat maghintay na magkaroon ng kakulangan sa supply o problema sa reliability bago mamuhunan sa mga energy projects.

Ang imprastraktura sa kuryente ay hindi naitatayo nang mabilisan. Taon ang kailangan sa pagpaplano, pagkuha ng permits, financing at konstruksyon. Kaya ngayon pa lamang, dapat naghahanda na tayo para sa paglago ng renewable energy, battery storage, electric vehicles at iba pang teknolohiya.

Nagbabago rin ang papel ng distribution utilities kagaya ng Meralco. Kitang kita na ngayon na dumarami ang rooftop solar at iba pang distributed energy resources.

Ang mga consumers, hindi na lang basta gumagamit ng kuryente — lumilikha na rin sila nito sa pamamagitan ng mga solar rooftop.

Malinaw na kailangan natin ng mas moderno, digital, flexible at matatag na grid. Kasabay nito, dapat ding umangkop ang regulasyon sa cybersecurity, resilience at integration ng mga bagong teknolohiya.

Mahalaga ring tingnan ang tunay na kahulugan ng least-cost electricity. Hindi lamang generation cost ang dapat ikonsidera kundi ang kabuuang sistemang naghahatid ng maaasahang kuryente sa consumers. Dahil sa huli, mas malaki ang kapalit kapag hindi maaasahan ang suplay ng kuryente.

Nasaksihan ko ang sistema bago ang EPIRA at ang mga pagbabagong idinulot nito. Kung ang EPIRA noon ay tugon sa mga problema ng nakaraan, ang susunod nitong yugto ay dapat nakatuon sa hinaharap. Sa pagtutulungan ng gobyerno at private sector, naniniwala ako na darating ang araw na mararamdaman ng lahat ng consumer ang malaking improvement sa serbisyo ng kuryente.

EPIRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with