^

PSN Opinyon

Ang basura mo ang lulunod sa iyo

Pabida - June G. Trinidad - Pilipino Star Ngayon

Tuwing darating ang malakas na ulan, hindi na lang ang patak ng tubig ang kinatatakutan ng marami, kundi ang ma­bilis na pagtaas ng tubig-baha sa mga kalsada at kabahayan.

Sa bawat sanhi ng pagbaha, iisang bida ang madalas na lumilitaw sa eksena—ang tone-toneladang basurang itinapon kung saan-saan na bumabara sa mga kanal, estero, at ilog.

Ang basura ay ang pangunahing salarin sa tuwing lumu­lubog sa baha ang mga kalsada at kabahayan sa kalunsuran. Ang mga plastic na supot, bote, at maliliit na balat ng kendi ay tinatapon sa lansangan na kalaunan ay tinatangay ng ulan patungo sa mga drainage system. Dahil siksik na ang basura sa mga estero, wala nang daanan ang tubig kaya’t umaapaw ito agad kahit sandali pa lamang umuulan.

Hindi lamang ito problema ng pamahalaan kundi salamin din ng ugali ng bawat mamamayan. Kaya isinusulong sa Metro Manila Council ang isang unified system sa pagpapatupad ng mga patakaran laban sa maling pagtatapon ng basura, kabilang ang magkakaparehong proseso sa apprehension at ticketing. Walang ordinansa o batas ang epektibo kung ang mismong mamamayan ay sarado ang isip, bulag sa katotohanan at walang disiplina.

Panahon na upang itigil ang pagiging iresponsable dahil ang solusyon ay nagsisimula sa ating mga sarili.

Ang basura mo na itinapon na lulunod sa iyo ay isang simpleng babala na sumasalamin ng ating sariling disiplina. Kapag itinapon mo ang iyong basura sa labas, huwag nang magtaka kung sa iyong paggising ay lulubog ang  bahay mo sa maruming baha.

Huwag nating hintayin na lamunin ng baha ang ating mga ari-arian bago tayo matuto. Ang solusyon ay nagsisimula sa ating sarili sa pamamagitan ng tamang pagtatapon at paghihiwalay ng basura.

BIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with