^

PSN Opinyon

Kahit atleta, posibleng atakihin sa puso

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Uso ngayon ang triathlon, biking, running at swimming. Kahit ang isang tao ay physically fit at laging nag-e-ehersisyo, kailangan din magpa-check up sa doktor. May mga nabalitaang atleta na pagkatapos tumakbo ay biglang nag-collapse at namatay.

Ang mga atleta ay posibleng magkaroon ng Athlete’s heart. Ang puso ay gawa sa masel at puwede itong kumapal at lumaki dahil sa matinding ehersisyo. Wala naman dapat masamang epekto ito.

Ngunit may ibang mga seryosong kondisyon na puwe­deng makita sa mga atleta:

1. Abnormal na pagkapal ng puso – Medical term ay Hypertrophic Cardiomyopathy. Pambihira lang itong sakit pero nangyayari rin. Namamana itong sakit mula sa magulang. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit may namamatay na atleta.

2. Abnormal na ugat sa puso – Medical term ay Abnormal coronary arteries. May mga taong hindi normal ang daanan ng ugat sa puso. Dahil dito, posibleng maipit ang ugat o da­luyan ng dugo habang nag-e-ehersisyo ang atleta.

3. Abnormal na pagtibok ng puso – Medical term ay arrhythmia. Kapag nasobrahan ng ehersisyo, puwedeng magloko ang tibok ng puso, at biglang huminto na lang.

4. Natamaan ng malakas sa dibdib – Medical term ay Commotio cordis. May pagkakataon na kapag nahampas ng malakas sa dibdib ay biglang nagugulo ang pagtibok ng puso. Nagkakaroon ng palpitasyon at posibleng huminto ang puso.

Payo Sa Atleta:

1.Magpacheck up muna sa doktor bago sumabak sa matinding ehersisyo at training.

2.Magpasuri sa puso. May mga tests tulad ng ECG, Treadmill Exercise Test at 2D-Echocardiogram para malaman kung mayroon kayong sakit.

3.Kapag normal ang iyong mga lab tests ay puwede naman magtuloy sa kompetisyon.

4.Ngunit kung mayroon na kayong sintomas ng paninikip ng dibdib, hirap sa paghinga o palpitasyon, baka kailangan mo nang bawasan ang iyong pag-e-ehersisyo.

Kumonsulta sa iyong doktor para sa tamang gamot. Itanong din kung kailangan mong itigil ang iyong pagiging atleta. Good luck po.

SWIMMING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with