Gamot sa ubo
Para sa karaniwang ubo, ang pinakamahalagang gawin ay uminom ng sapat na tubig, magpahinga, at alamin kung tuyo o may plema ang ubo.
1. Uminom ng tubig: Uminom ng 8 hanggang 10 basong tubig kada araw para lumambot ang plema. Maligamgam na inumin: Uminom ng mainit na salabat, sabaw, o tsaa.
2. Magmumog ng maligamgam na tubig na may asin: Nakakatulong ito sa pagbawas ng kati at sakit sa lalamunan.
3. Ubo na may plema (Productive Cough): Gumamit ng Mucolytic (tulad ng Carbocisteine o Ambroxol) para mapanipis ang plema, o Expectorant (tulad ng Guaifenesin) para mas madali itong mailabas. Tuyong ubo (Dry Cough): Gumamit ng Antitussive (tulad ng Dextromethorphan) para patigilin ang walang tigil na pag-ubo, lalo na kung hindi ka na nakakatulog.
4. Magpatingin sa duktor kapag may kasamang dugo, berde, o madilaw na plema ang ubo.May kasamang mataas na lagnat at pagkapos ng hininga. Kumonsulta sa duktor kung matagal na ang ubo na mahigit sa tatlong linggo.
5. Magpahinga sa bahay ng ilang araw para makatulog ng mahaba. Para huwag makahawa, mag face mask kung may kausap at maghugas ng kamay palagi.
6. Mainit na Sabaw: Nakakatulong ang mga sabaw tulad ng tinola o chicken soup, lugaw, sabaw ng isda, baka o baboy para sa plema at maibsan ang iritasyon.
7. Pulot (Honey): Kilala sa pagpapakalma ng makati o masakit na lalamunan. Salabat na may Honey: Magpakulo o ilagay ang 2 piraso na hiniwang luya sa mainit na tubig at ihalo ang honey. Pwede rin ang tsaa na may honey.
8. Calamansi Juice: Sagana sa Vitamin C na pampalakas ng resistensya. Honey at Calamansi o Lemon: Magpiga ng 2 pirasong calamansi o 1 hiwa ng lemon sa maligamgam na tubig at ihalo ang honey.
9. Iwasan ang mga nagpapalala: Lumayo sa usok ng sigarilyo, matitinding pabango, at alikabok.
10. Mag-steam inhalation: Huminga sa ibabaw ng mangkok ng mainit na tubig (suob) para magbawas ang bara sa baga. Ingat po na huwag mapaso.
- Latest



















