^

PSN Opinyon

Hoarseness o pamamaos: masama ba ito?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Namamaos ka ba? Natural lang ba ito? O baka senyales na ito ng isang malubhang sakit.

Alamin kung ano ang pinagmumulan ng pamamaos.

Sagot:

Ang hoarseness o pamamaos ay pangkaraniwan sa mga guro, mang-aawit at tagapagbalita. Kung masyadong malakas ang iyong pakikipag-usap, maaari mong mai-stress ang iyong tinig at vocal cords. Magpahinga ng isang araw o dalawa ng boses at gagaling na ito.

Ngunit kung ang pamamaos mo ay higit sa 2 linggo, kailangan mong magpatingin sa espesyalista na Ear, Nose, at Throat doctor (ENT). Sa mga bihirang kaso, ang hoarseness ay maaaring sanhi ng cancer ng larynx, na una sa isip ng mga doktor ng ENT.

Sa katunayan, ang hoarseness ay maaari ring sanhi ng seryosong sakit tulad ng aortic aneurysm, paglaki ng puso, at tumor sa baga. Ito ay dahil ang kaliwang laryngeal nerve (na kumokontrol sa vocal cord) ay nagmumula sa dibdib at umiikot sa ilalim ng aorta (pinaka-malaking ugat). ‘Pag naipit itong laryngeal nerve sa paglaki ng puso o kung may tumor ay namamaos ang tao.

Samakatuwid, ang mga problema sa bahagi ng dibdib at puso ay maaaring maipit ng kaliwang laryngeal nerve na nagdudulot ng pamamaos.

Walang masama kung babantayan ang iyong mga nara­­ramdaman upang makaiwas at maagapan ang anu­­mang simpleng sakit upang hindi na mauwi sa malalang sakit.

MANAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with