^

PSN Opinyon

Lunas sa Premenstrual Syndrome (PMS)

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Kung regular kang nakararanas ng pagkalungkot, iritable, pabagu-bagong mood bago ang iyong regla, maaaring mayroon kang premenstrual syndrome.

Kaya malunasan ang premenstrual syndrome sa pamamagitan ng lifestyle changes.

1. Baguhin ang iyong diet.

l Kumain ng mas kaunti, pero mas madalas para maba­wasan ang paglaki ng tiyan.

l Limitahan ang asin at maaalat na pagkain.

l Pumili ng mga pagkaing mataas sa fiber gaya ng prutas at gulay.

l Pumili ng pagkain na mayaman sa calcium tulad ng fat-free, o low-fat dairy products. Pwede uminom ng calcium supplements.

l Iwasan ang pag-inom ng kape at alak.

2. Ang regular na pag-e-ehersisyo ay maaaring magpa­kalma ng maraming mga sintomas.

3. Magbawas ng stress. Ang stress ay maaaring magpalubha sa sintomas ng premenstrual syndrome.

l Iplano ang sarili sa loob ng 1 linggo habang inaasahan ang sintomas ng PMS.

l Magkaroon nang sapat na tulog

l Magsanay ng pangpa-relax na therapy. Ang pagsasanay­ nang malalim na paghinga ay maaaring makatulong na maba­wasan ang pananakit ng ulo, pagkabalisa, o hindi pagkatulog.

Kung hindi gumaling ang premenstrual syndrome sa pama­magitan ng lifestyle changes, kumonsulta sa iyong doktor.

* * * * *

May kabag at masakit ang tiyan

Kapag ang hangin ay hindi nailabas ng pag-dighay at pag-utot, ito ay mabubuo sa tiyan at bituka na dahilan ng pagkakaroon ng hangin (bloating). Ang sakit ng tiyan ay maaaring hindi masyadong masakit o kaya naman ay matigas at sobrang sakit ito ay nangyayari kung mahangin ang tiyan o may kabag. Kung maaalis ang hangin ay mawawala ang sakit. Kaugnay din dito ang LBM at lactose intolerance. Ang pagkain ng matataba at mga pagkain na nakapagbibigay ng hangin sa ating tiyan gaya ng beans, at iba pang gulay, ang mahangin na tiyan ay resulta rin ng stress, labis na pag-aalala at paninnigarilyo.

Tips para maiwasan ang kabag:

1. Magbawas sa mamantikang pagkain. Dahil napapatagal nito ang pagtunaw ng pagkain.

2. Bawasan ang mga pagkaing nagbibigay ng hangin sa tiyan. Tigil ang soft drinks. Bawasan ang beans, peas, repolyo, sibuyas, broccoli, cauliflower, pasas, prunes, bran cereals at muffins.

3. Iwasan din ang pagkain ng chewing gum at matigas na candy.

DOC WILLIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with