Hindi balakid ang kakulangang suporta ng lgus
KUNG nawawalan na ng ganang bumalik itong ilang mga Chief of Police ng ilang mga ka-Bayanan sa kanilang estasyon abay, may kunting tampo pala ang mga ito sa kanilang mga Municipal Mayor. Hehehe! Ito ang nakalusot sa inyong lingkod, matapos na pagsisibakin itong mga Chief of Police ng mga Municipal Police Station sa lalawigan ng Capiz matapos na bumagsak ang mga ito sa isinagawang Operational Performance Evaluation ng Philippine National Police.
Sa totoo lang mga suki, malaking advancement ito para sa career ng isang opisyal nang kapulisan dahil dito niya makukuha ang mga tamang proseso sa paghawak ng kanyang mga tauhan at maging sa pagharap sa iba’t ibang kaso na naglipana sa area of responsibility nila. Hindi na kasi uso ngayon na nagugustuhan ni Mayor ang serbisyo ng kapulisan kahit na kulang siya sa mga requirement ng PNP, noon kasi kahit na hindi kumilos ang isang chief police ng Bayan basta’t “Bata” siya ni Mayor abay, hanggang sa tubuan nalang siya ng ‘Pigsa’ sa kanyang puwesto ay hindi ito masisipa. Hehehe!
Subalit ngayon kailangan nang magsumikap ang isang police official sa pamamagitan ng pag-Mandatory Schooling for Career Advancement upang makasiguro siyang makakapuwesto siya nang maayos sa inaambisyon nitong Bayan. Get n’yo mga suki? Kaya’t para doon sa mga sinipa sa puwesto mula ng maupo nga itong si Police Regional Office 6 (PRO6) Director Randulf Tuano matapos na bumagsak ang rating sa Operational Performance Evaluation ng Philippine National Police abay, ito na ang inyong pagkakataon na maka-bawi, gamitin n’yo nang legal sa pagti-training, Schooling ang inyong bakanteng oras nang sa gayon pagi-pasa na niyo itong mga Evaluation ng PNP tiyak na makakabalik kayo sa puwesto. Hehehe! Get nyo mga suki?
Subalit mukhang may alingasngas din pala itong pagkasibak ng ilang Chief of Police ng ilang Municipal Police Station dahil may iilang opisyal pala ang ayaw nang bumalik sa kanilang dating puwesto dahil kaya sa walang tulong mula sa kanilang mga Mayor? Ayon kasi sa naibulong sakin, may Municipal Mayor umano na ubod nang kuripot kung kaya’t ni katiting na pang-Diesel manlang at pangmaintenance nang kanlang mga Patrol Vehicles ay walang ibinibigay na suporta. Hehehe!
Kadalasan umano, sariling bulsa pa ni Chief of Police ang ipinapang-gas sa kanilang patro vehicle tuwing may re-respondihan. Bahala na dyan si PRO6 Dir. Tuano mga suki! Kasi sa ngayon kahit na hindi pa bumabalik itong ilang chief of police ng ilang municipalidad abay, tuloy parin ang trabaho ng mga kapulisan ni Tuano kas inga, hindi pwede ki PRO6 Director ang patamad-tamad at pakaang-kaang sa puwesto. Hehehe!
Nito mga nagdaang araw lamang mga suki, nagpamalas ng kasipagan itong mga tauhan ni Tuano nang salakayin nito ang isang bodega ng illicit cigarettes na may kantidad na P25 milyon estimated Tax Liability sa may Estacia, Iloilo. Ang matinde rito kasama sa nahuli ang isang 42 yrs old na babae, kaya’t swak sa balde itong tusong negosyante. Hindi basta-basta pala itong operation dahil kasama sa pagsalakay ang mga taga Bureau of Internal revenue (BIR) nang salakayin bultu-bultong sigarilyo sa may Barangays Zone 1 Poblacion at Lumbia, Estancia, Iloilo kasama ang pinagsanib na puwersa mula sa Regional Special Operation Group of Regional Intelligence Division (RSOG-RID6) 2nd Iloilo Provincial Mobile Force Company at Estancia Municipal Office.
Patunay lamang ito na nagtatrabaho ang mga kapulisan, habang masusing aarukin pa ni PRO6 Tuano ang hinaing ng ilang chief of Police sa lalawigan ng Capiz. Abangan!
- Latest

















