^

PSN Opinyon

Central Luzon PNP, super handa magresponde vs krimen!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

TULUY-TULOY lang ang trabaho ng mga tauhan ni PRO3 director Brig. Gen. Jess Mendez at makikita naman ang resulta sa ground dahil bumaba ang crime rate sa Central Luzon sa buwan ng Abril.

Mula 3,366 na insidente noong Marso, bumaba ito sa 3,334 sa Abril. Katumbas iyon ng 32 kasong nabawas o 0.95% pagbaba. Hindi kalakihan, pero malinaw ang direksyon. Mismooooo! Kaya kung tutuusin, mas tahimik na sa ngayon ang Central Luzon dahil nagkalat ang kapulisan sa kalye na handa magresponde sa kahit anong klaseng krimen. Dipugaaaaa! Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Hindi lang naman kriminalidad ang pinagtuunan ng pansin ni Mendez kundi pati ang pagtulong sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o kontra komunista. Nitong nakaraang mga araw lang, aabot sa 115 dating miyembro o supporters ng Communist Terrorist Group sa ilalim ng Komiteng Rehiyon-Gitnang Luzon ang humiwalay na sa CPP/NPA/NDF. Eh di wow! Dumalo sa event si Zambales Gov. Hermogenes “Jun” Ebdane Jr., na muling nagbalik sa PRO3 upang magpahayag ng suporta sa kampanya ni Mendez vs teroristang NPA. Si Mendez, na dating aide-de-camp, ni Ebdane noong PNP chief ang huli. Hehehe! Kanya-kan­yang gimik lang ‘yan!

Sa focus crimes nitong Abril, mas ramdam ang pagbaba ng krimen. Mula 276, naging 254—halos 8% ang ibinagsak. Ibig sabihin, mas kaunting seryosong insidente ang na­itala. May mga naitalang pamamaril, at hindi ito itinatanggi. Pero sa kabuuan, nananatiling pababa ang trend—senyales na may epekto ang mga hakbang sa ground.

Pinalakas ang police visibility, tuloy-tuloy ang enforcement, at mas aktibo ang pakikipag-ugnayan sa komunidad sa ilalim ng Safer Cities Program. Kasabay nito, kapansin-pansin ang mahigpit na pagmomonitor sa mga hepe sa ground—may malinaw na diin sa execution, hindi lang sa plano. Resulta nito, mas gumagalaw ang mga unit at mas nakikita ang output sa datos. Eh di wow!

Sa kampanya laban sa wanted persons, 825 ang naaresto, kabilang ang 173 most wanted. Sa loose firearms, 382 baril ang na-account—may mga kinumpiska, isinuko, at dineposito, habang 117 ang naaresto.

Sa anti-smuggling operations, lalo na sa iligal na sigarilyo, 548 operasyon ang naisagawa, na nagresulta sa 73 naaresto at P159.26 milyon na halaga ng kontrabando ang nasamsam.

Sa anti-drug operations, 1,101 drug personalities ang naaresto at P17.85 milyon na halaga ng droga ang nakumpiska.

Ang mga operasyong ito ay nakaangkla sa PNP Focused Agenda ni PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr., na nakatuon sa pinaigting na police operations at maayos na pamamahala ng resources. Sal-it! Abangan!

JESS MENDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with