^

PSN Opinyon

Arthritis at tamang pagkain

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Sa arthritis, nasisira ang cartilage sa araw-araw na paggamit. Ayon sa pag-aaral, ang free radicals ay maaaring atakihin ang selula, tumaas ang pamamaga, at mapabilis ang proseso ng pagtanda, kabilang ang pagkasira ng joints at cartilage. Kaya naman maganda na idagdag sa iyong lutuin ang maraming anti-oxidants na makukuha sa prutas, gulay at green tea.

Kainin Ito:

1. Ang madahong gulay at citrus fruits ay mayaman sa antioxidant na nilalabanan ang mga free radicals at tumutulong para protektahan ang joints. Ang taong mayroong arthritis ay kinakailangan makakuha ng mas maraming antioxidants, lalo na ang vitamin C at beta-carotene mula sa pagkain. Ang vitamin C sa citrus na prutas katulad dalandan, suha, calamansi, lemon at orange. May antioxidant na matatagpuan sa madadahong gulay, na nagpapababa rin ng panganib sa arthritis.

2. Ang pinya ay may bromelain, isang protein-digesting enzyme at lumalaban sa pamamaga. Ayon sa pag-aaral, mabisa ito para mabawasan ang pananakit dulot ng osteo­arthritis, katulad ng rin sa pag-inom ng gamot sa kirot. Wala pang side effect ang pinya.

3. Ang matatabang isda tulad ng sardinas, mackerel, salmon, tuna at tamban ay mayaman sa omega-3 fatty acids. Ito’y nagpapalakas ng produksyon sa anti-inflammatory fats na tinatawag na resolvins, na kumokontra sa pamamaga.

4. Ang curry, turmeric, luya at ibang spices ay lumalaban sa pamamaga sa arthritis. Ang luya, turmeric at curry ay may sangkap na curcumin, na pumipigil sa enzymes at pro­tina na isinusulong ang pamamaga.

5. Ang green tea, sibuyas, strawberry, kamatis at citrus fruits ay naglalaman ng quercetin. Ang pag-aaral sa laboratory, ang quercetin ay isang anti-oxidant at anti-inflammatory.

* * *

12 Masustansyang Prutas Sa Pilipinas

Heto ang mga masustansyang prutas na mabibili natin sa Pilipinas:

1) Ubas – Ang ubas ay may tannins at flavonoids na puwedeng makapigil sa kanser. Kumain ng ubas kung ika’y nagpapagaling sa sakit. At kapag kulang sa dugo at mahina ang katawan, kumain ng ubas para manumbalik ang iyong sigla.

2) Pakwan – Panlaban ang mga ito sa sakit sa bato at pantog (kidney at bladder infection). Ang pakwan at melon ay punong-puno ng vitamin C at potassium. At kapag tag-init, ang katas nito ang kailangan ng ating katawan.

3) Peras (Pears) – Ang peras ay mayaman sa fiber at sorbitol na makatutulong sa pagdumi. Ang fiber ay nagbibigay ng hugis (o bulk) sa dumi. Ang sorbitol naman ay nagbibigay ng tamis sa peras at naghahatak ng tubig sa loob ng bituka para lumambot ang dumi.

4) Suha – May tulong ang suha para makaiwas sa kanser at para sa may diabetes. Ang balat ng suha ay may sangkap na bioflavonoid. Ito’y nakatutulong sa pag-iwas sa cancer, lalo na sa breast cancer. Kung ika’y may diabetes, puwede sa iyo ang suha at mansanas. Paalala lang na 3 o 4 na hiwa lang ang kainin.

5) Strawberry – Naniniwala ang mga eksperto na panlaban sa kanser ang strawberry. Mag-ingat lang kung allergic sa strawberry. Hugasan maigi ito bago kainin.

6) Saging – Mainam ang saging sa mga nag-e-ehersisyo at sa may sakit sa puso dahil may taglay itong potassium. Para sa hindi makatulog at stressed sa buhay, nakapagpaparelax din ang saging dahil sa sangkap nitong tryptophan.

7) Abokado – Ang abokado ay may taglay na good fats at healthy oils. Dahil dito, nakatutulong ito sa pag-iwas sa sakit sa puso at istrok. May sangkap din itong vitamin B6 at vitamin E na nagpapakinis ng ating balat.

8 Papaya – Mataas sa vitamin A at vitamin C ang papaya kaya nakatutulong ito sa ating kutis. Ang papaya ay may papain, isang kemikal na tumutulong sa pagtunaw ng pagkain at sa pag-regular ng ating pagdumi.

9) Pineapple (Pinya) – Ang pineapple ay may bromelain na nagpapalakas ng ating resistensya. May sangkap din itong manganese at vitamin B na nagbibigay lakas sa ating katawan.

10) Buko – Ang buko juice at nakatutulong sa may kidney stones (bato sa bato).

11) Mansanas – May vitamin C at anti-oxidants ang mansanas. Mahalaga na kainin din ang balat ng mansanas dahil may taglay itong pectin na nagtatanggal ng dumi sa ating katawan. Panlaban ang mansanas sa mataas na cholesterol, arthritis at sakit ng tiyan.

12) Orange – Masagana ang orange sa vitamin C na panlaban sa sipon, ubo, hika at arthritis.

VITAMINS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with