^

PSN Opinyon

Maghilamos at maligo araw-araw

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

MAY mga Pilipino ang ayaw maghilamos o maligo. May maling paniniwala sila na mapapasma raw sila kapag naghilamos o maligo.

Ayon sa survey, 50% ng Pilipino ay hindi naghuhugas ng kamay pagkatapos gumamit ng banyo (umihi o dumumi).

Sana po ay maituwid na natin ang mga maling paniniwala. Heto ang dapat niyong gawin.

1. Maligo araw-araw. (Iwas sipon, trangkaso, galis at pigsa.)

2. Maghilamos sa umaga at sa gabi. (Para gumanda ang balat at iwas pimples at kuliti.)

3. Mag-sipilyo 2 o 3 beses bawat araw. (Iwas sa sirang ngipin.)

4. Maghugas ng kamay pagkagamit ng banyo, umihi o dumumi. (Iwas sa sore eyes, tuberculosis at pulmonya.)

Wala pong excuse na pasmado, pagod, puyat, bagong gising, bagong tulog, may regla, nag-computer, nag-cellphone, nanahi at iba pa. Kahit pa sinabi ni Lola o Nanay. Puwedeng magpahinga ng 15 minutos kung pagod. Pero dapat pa rin maligo at maghilamos araw-araw.

Maging malinis sa katawan. Ang sabon at tubig ang iyong proteksyon laban sa sakit.

Maghilamos sa umaga para gumanda:

Kailangan maghilamos ng mukha sa umaga at bago matulog sa gabi para malinis ang mukha. Hindi po tunay ang kasabihan na masama maghilamos. Maraming naiipon na dumi, muta at bacteria sa mukha. Napaka-oily rin ng mukha sa umaga.

Kapag hindi tayo maghihilamos, puwede magkaroon ng pimples, kuliti (impeksyon sa mata), at pamumula ng mata. Ang pagdami ng muta ay isang senyales na maraming mikrobyo na ang iyong mata.

Ang payo ko: Maghilamos ng mukha sa umaga at sa gabi. Puwede po maghilamos kahit puyat, walang tulog, bagong gising o galing sa pagbabasa sa computer o cellphone. Puwedeng magpahinga ng 15 minutos muna. Pero huwag papasok sa trabaho o matutulog sa gabi nang hindi naghihilamos ng mukha.

Walang koneksyon ang paghilamos ng mata sa paningin. Sa katunayan, mas lilinaw ang iyong paningin kapag natanggal ang muta at dumi sa mata. Take care po.

BANYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with