^

PSN Opinyon

Pabagalin ang pagtanda

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

NARITO ang tips na makatutulong para mapabagal ang pagtanda.

1. Kumain ng almusal araw-araw. Ang gulay, sardinas, kanin, gatas, itlog at prutas ay masustansiyang almusal.

2. Kumain ng pagkaing may tomato sauce (ketsap at spag­hetti sauce) at uminom ng green tea. Panlaban ito sa kanser.

3. Kumain ng maberdeng gulay at mga prutas, tulad ng saging at pakwan.

4. Huwag sosobrahan ang kahit anong pagkain. Huwag magpakabusog. Katamtaman lamang ang kainin.

5. Mag-asawa o magkaroon ng kasama sa buhay. Mas ma­haba ang buhay ng mga may asawa kumpara sa mga nag-iisa.

6. Tumawa ng 15 minutos bawat araw. Laughter is the best medicine.

7. Magkaroon nang mabait na kaibigan. Makatutulong siya sa pagtanggal ng stress.

8. Makipag-sex sa iyong asawa. Ang pakikipag-sex ay uri ng ehersisyo at nakababawas sa stress.

9. Umiwas sa bisyo at peligro.

10. Matulog ng 7-8 oras araw-araw.

11. Mag-ehersisyo.

12. Mag-alaga ng aso. Nagbibigay ng pagmamahal ang aso sa kanyang amo.

13. Magsipilyo ng tatlong beses bawat araw. Gumamit din ng dental floss.

14. Magpabakuna laban sa hepatitis B, pulmonya, trang­kaso, at iba pang sakit.

15. Inumin lang ang tamang gamot. Itanong muna sa doktor bago uminom ng kahit anong gamot o supplement. Mas mainam na magtanong sa dalawang doktor para ma­kasiguro na tama ang iyong iniinom.

16. Alamin ang mga sakit sa pamilya at gumawa ng paraan para maiwasan ito. Halimbawa, kung may lahi kayo ng sakit sa puso, magpasuri sa doktor.

17. Uminom ng 8-10 basong tubig araw-araw.

18. Umiwas sa araw, usok, alikabok at iba pang polusyon sa lansangan.

19. Huwag manigarilyo at umiwas sa usok ng sigarilyo.

20. Mamuhay ayon sa iyong kakayahan. Umiwas sa pagkabaon sa utang.

21. Huwag magretiro. Ituloy ang iyong trabaho para may pinagkakabalahan.

SAUCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with