^

PSN Opinyon

Alamin ang lunas sa ubo na higit 2 linggo

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Maraming dahilan ang ubo. Minsan ito ay dulot ng simpleng sakit.

Ngunit kung ito ay pabalik-balik at tumatagal na, baka ito ay isa ng nakahahawang sakit.

Ang mga karaniwang sanhi ng ubo ay ang trangkaso, sipon at allergy.

Karaniwan ito ay kusang gumagaling paglipas ng mga ilang araw. Ang mga naninigarilyo ay nagkakaroon ng isang tinatawag na ubo ng naninigarilyo (smoker’s cough). Sa isang maruming kapaligiran, maraming tao ang nagkakaroon ng ubo at plema.

Ganunpaman, hindi sa lahat ng pagkakataon ng pag-ubo ay maaaring balewalain lang. Sa ilang mga kaso, ang matagal na pag-ubo ay maaaring maging senyales ng tuberkulosis o hika.

Ang TB ngayon ay nagagamot ng libre sa inyong mga health centers. Anim na buwan ang gamutan para gumaling at hindi makahawa sa buong pamilya.

Para sa mga taong naninigarilyo (lalo na sa mga naninigarilyo ng 10 sticks o higit pa sa isang araw), maaaring alerto ka sa iyong ubo dahil baka ito ay kanser sa baga.

Upang maging ligtas, magpakuha ng Chest X-ray at ganap na tumigil sa paninigarilyo.

Ang kasiyahan na makukuha mula sa paninigarilyo ay hindi mahalaga para ipagpalit sa malubhang sakit.

UBO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with