Pag-inom ng tubig
Narito ang wastong pag-inom ng tubig:
1. Uminom ng 8-10 basong tubig bawat araw. Kung may edad o mahina ang puso, puwede na ang 4 o 5 basong tubig lamang. Huwag lalampas sa 16 basong tubig sa isang araw at baka lumabnaw ang dugo.
2. Konti-konti lang ang pag-inom. Mga tatlo o apat na lagok lang. Huwag biglang uminom ng dalawang basong tubig lalo na kung may edad dahil baka malunod ang puso. Ang pag-inom ng pakonti-konti ay panlaban din sa pangangasim ng sikmura dahil nalilinis nito ang asido sa tiyan.
3. Pagkagising sa umaga, uminom ng isang basong tubig. Nililinis nito ang kidneys at pantog.
4. Sa mga may lahi ng kidney stones, kailangang uminom ng tubig bago matulog sa gabi. Ito’y para hindi magbuo ang kidney stones.
5. Uminom ng mas maraming tubig habang nag-eehersisyo. Kapag malakas magpawis, kailangang uminom ng isang basong tubig bawat 30 minutos ng ehersisyo.
6. Kapag nanunuyo ang lalamunan, may sipon o ubo, uminom din ng mas maraming tubig para lumabnaw at mailabas ang plema.
7. Sa mga nagbi-breastfeeding, damihan ang inom ng tubig para sa inyo at sa sanggol.
8. Siguruhing malinis at ligtas ang inyong tubig. Huwag makipagsapalaran dahil puwedeng magdulot ng typhoid fever at gastroenteritis ang maruming tubig.
9. Ang tubig ay nagpapaganda sa balat. Kapag kulang sa tubig, kukulubot ang balat. Ngunit kung may sapat na tubig, magiging makinis ang kutis.
10. Kung hindi mahilig sa tubig, puwedeng kumain nang maraming pakwan na punumpuno ng tubig at may bitamina pa.
- Latest
















