May PNP official na sinandalan ang EPD ‘dorobo’ cops!
Sino ang nag-utos sa EPD “dorobo” cops para i-ransack at magnakaw ng P85 milyon cash, alahas at kagamitan sa bahay ng negosyanteng Chinese sa Las Piñas City?
‘Yan ang tanong na umiikot sa Camp Crame mula Abril 2. Hindi kasi naniniwala ang mga kosa ko na walang nag-utos na opisyal ng PNP sa EPD “dorobo” cops dahil puro PNCOs o enlisted men lang silang pumasok sa bahay ni Li Jie sa Alpani 32, Portofino Heights, Almanza Dos.
Si Emerson Coballes, kaya na hepe ng EPD District Special Operations Unit (DSOU) ang susi sa kasong ito? Kaya lang si Coballes ay nagtatago pa kaya dapat isama siya sa kaso para mahanting ng mga kabaro niya kapag lumabas na ang kanyang arrest warrant.
Sinabi ng mga kosa ko na ang subdibisyong tinitirhan ni Li ay pag-aari ng pamilya ni Sen. Cynthia Villar kaya papayag kaya ang senadora na ganun-ganunin na lang ng mga pulis ang settlers nila?
Sobrang higpit daw ang security sa naturang subdibisyon kaya’t nagtataka ang mga kosa ko dahil sobrang bilis nakapasok ang EPD “dorobo” cops. Baka ipinakita ang search warrant, anila. Puwede, di ba mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Usap-usapan pa sa Camp Crame na ang mga taga-DSOU sa limang distrito sa Metro Manila ay mga sagradong bata ni NCRPO chief Maj. Gen. Anthony Aberin. May mga pagkataon kasi na kumikilos ang taga-DSOU na hindi na nakikipag-coordinate sa District Directors dahil katwiran nila rekta sila sa Bicutan.
Kaya malakas ang paniniwala ng mga kosa ko sa Camp Crame na bulag si EPD director Brig. Gen. Villamor Tuliao sa lakad ng mga tauhan ni Coballes. Araguyyy! Hindi man lang na-enjoy ni Tuliao ang promotion niya. Mismooo! The buck stops na kay Tuliao eh.
Teka, teka, hindi naman sinasabi ng mga kosa ko na may kinalaman si Aberin sa baluktot na lakad ng DSOU ni Coballes ha? Kung sabagay, nag-utos na si Aberin na imbestigahan ang kaso para malaman ang puno’tdulo nito.
Si Coballes lang ang makapagturo kung sino pang mataas na opisyal ng PNP ang nasa likod niya. Sanamagan! Ang P85 milyon na loot kaya kanino naka-custody? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Lumalabas sa report na si Coballes ang pumirma sa coordination form ng EPD “dorobo” cops na may petsang Abril 2. Ang team leader ay si SSSgt. Mario Taboada Jr. at ang mga members ay sina SSgt. Aldin Saligo, SSgt John Kenneth Domingo, SSgt Anna Marie Duran, Cpl. Mark Gil Justo, Cpl. John Benson Leonoras, Pat. Mark Anthony Bonifacio, at Pat. Jearamie John Entorum.
Nilista ni Coballes ang nature of operation na intelligence, surveillance operations, service of warrant of arrest, at possible anti-criminality operations. Ang gagamiting sasakyan ay white Adventure na may plakang NOV 1830 at black SUV (F6T713).
Nakalista rin ang area of operation na sa Southern Police District AOR. Hayan, lahat ng mga pulis ay inaresto at dinisarmahan kaagad ni Tuliao matapos matunugan ang kanilang raket. Ano pa nga ba? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Sinabi naman ni NCRPO DRDA Brig. Gen. Rogelio “Podjie” Peñones Jr., na nagduda kaagad sila dahil nakalagay sa report ng EPD “dorobo” cops na nag-offer ng P14 milyon bribe si Li, samantalang ang WOA niya sa kasong baril ay may bail lang na P200,000.
Maraming nakitang lapses sa operations tulad ng hindi pagsuot ng body worn cameras, at nakasibilyan sila, maging ang hindi maayos nilang coordination report, ani Peñones.
“So doon palang marami ng violations and worst thing na nangyari yung hinuli nila hindi pa yun yung totoong Mr. Jie Li. So there was already mistaken identity because the original Mr. Jie Li was already arrested by CIDG on March 9, 2023 for the same violation,” sab ni Peñones.
Swak sa banga ang EPD “dorobo” cops ‘no mga kosa?
Abangan!
- Latest



















