^

PSN Opinyon

Aide ni Aklan Rep. Haresco, kinasuhan ng CIDG!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

MALAKING dagok sa re-election bid ni Aklan 2nd District Rep. Teodorico “Manong” Haresco ang kaso na isinampa ng Criminal Investigation and Detection Group laban sa kan­yang chief of staff at dalawa pa dahil sa pagkalap ng revolutionary tax para sa teroristang CPP/NPA.

Ang mga kinasuhan ng paglabag ng Terrorism Financing­ Prevention and Suppression Act of 1012 (TFPSA) sa Depart­ment of Justice ay sina Benjie Tocol, Rosanna Inaudito, at Jose Edwin Guillen.

Ayon kay CIDG director Brig. Gen. Nicolas Torre III, si Tocol ay chief of staff o senior aide ni Haresco. Tsk tsk tsk!

“Snappy. Nice ‘yan,” ‘yan ang tugon ni Torre nang tanungin kung totoong kinasuhan nila sina Tocol, Inaudito at Guillen sa DOJ.

Inamin ni Torre na mahabang panahon ang ginugol ng CIDG Aklan Field Unit bago masampahan ng kaso si Tocol at dalawang kasama, na lahat ay nagtatago na. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ayon kay Torre, habang nagtatrabaho si Tocol bilang­ chief of staff ni Haresco, abayyy nagsa-sideline ito sa pama­magitan ng pagkolekta ng revolutionary taxes sa mga con­­tractors sa Aklan.

Ipinapasa niya ang pitsa at kung anu-ano pa kay Brince Gegodas, na gumagamit ng mga alyas na Ian Arevalo, Prince Egodas, Makmak at JP.

Napasakamay naman ang ‘tax” kay alyas Ruben Lorca, Dagul at Arsen. Si Lorca ang finance officer ng Coronacion­ Chiva Waling-waling Command at Regional Finance Officer ng Regional Taxation and Implementation Group (RTIG) ng  Kumiting Region Panay (KRP) ng CPP/NPA. Eh di wow!

Hindi lang ‘yan, namonitor pala ng mga tauhan ni Torre na itong si Tocol ay namigay ng bags of groceries na luma­landing din kay Guillen. Tsk tsk tsk! Malawakan na pala ang pagkolekta ng revolutionary tax ni Tocol.

Lingid kaya ito sa kaalaman ni Haresco? Ano sa tingin n’yo mga kosa ko sa Aklan? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sina Tocol at Guillen ay nakaharap din sa ibang demanda dahil sa pagkalap ng pera sa mga negosyante at contractors noong 2023 upang itulong sa mga NPA, ani Torre.

Isinaad pa ni Torre na nagsurender ng kanyang cell phone si Gegodas sa mga pulis at bumungad ang mga text messages tungkol sa palitan nila ni Tocol ng mensahe. Siyempre, incriminating evidence ang mga mensahe.

Nasambit din sa complaint na nagtangkang mag-extort ng P1.5 milyon si Gegodas mula sa contractor na si Nestor Victor Gonzales Rodriguez at inaresto itong noong June 2023. Araguyyy!

Makalipas ang tatlong buwan, si Gegodas ay na-convict ng korte sa salang rebelyon at paglabag ng TFPSA. Sanamagan! Hindi lang pala Kongreso ang napasok ng mga kosa kong kaliwa kundi maging ang mga LGUs, ‘no mga kosa? Eh di wow!

Ang Aklan mga kosa ay progressive na probinsiya dahil sakop nito ang bayan ng Malay kung saan andun ang Boracay Island na dinadayo ng lokal at banyagang turista. 

Mahusay naman ang peace and order situation sa ilalim ng PNP at provincial government, na isang legacy ni Gov. Joeben Miraflores.

Sino ba si Joeben Miraflores?  Siya ang nag-facilitate ng peace talks at agreement ng RPA-ABB na kumalas sa New People’s Army sa Negros at Panay.

Dahil dito, ginawaran siya ng Highest Distinction Peace Award ng Office of the Presidential Assistant on the People Process ni Sec Carlito Galvez.

Magbabanggaan sina Haresco at Mirafllores?

Abangan!

CIDG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with