^

PSN Opinyon

Kompanya ng barko sa Cebu, sinisingil ng P5-B na utang!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Magsisilbing bangungot sa kandidatura ni Paul Rodriguez, sa lone congressional district ng Camiguin, ang utang niya sa dalawang banko na umaabot sa P5 bilyon.

Lumiham na kasi ang Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines at hinikayat si Rodri­guez na bayaran ang utang ng Asian Maritime Transportation Corp. (ATMC) kung saan ang huli ang tumatayong president at CEO.

Ayon sa loan documents, ang ATMC ay nakabase sa Cebu City at ang mga roll-on-roll off operations at inter-island ferry nito ay bumibiyahe sa Visayas at Mindanao, sakay ang mga pasahero at kargamento.

Sa liham niya sa DBP, inamin ni Rodriguez na walang sapat na pera ang ATMC para mabayaran ang utang nito. Araguyyyyy!

Ang pagpasok kaya ni Rodriguez sa pulitika ang solus­yon niya sa kanyang problema? Hayan mga kosa ko sa Ca­miguin, alam n’yo na dis! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Pinadalhan ng final demand letter ng DBP ang AMTC noong Disyembre 6, 2024 na bayaran ang kanilang utang, na inilarawan ng banko bilang “past due loan obligation,” na nagkakahalaga ng P1.479 bilyon.

Inilagay ang utang ng AMTC sa “past due” status simula Enero 31, 2019 matapos hindi makabayad ayon sa halaga na itinakda ng kanilang loan agreement. Matatandaan rin na hindi pa nagsisimula ang COVID-19 pandemic nang maging “past due” ang utang ng AMTC sa DBP.

“Should you fail to make payment or otherwise disregard or ignore this demand, we shall be constrained to initiate, without further notice, the appropriate action in court as may be necessary to enforce and protect the Bank’s interest, including the foreclosure of your mortgaged properties and filing of a criminal and/or civil case for collection with damages against you, in which case we shall hold you liable for all incidental and legal expenses, including attorney’s fees,” ang pagbabala ng DBP sa AMTC ng DBP. Eh di wow! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Iginiit pa ng DBP sa naunang liham na napagbigyan na ng sapat na panahon ang AMTC para bayaran ang utang nito.

“The discussions and/or negotiations pertaining to AMTC’s past obligation with the bank cannot go indefinitely. The bank had already afforded AMTC more than enough time to settle its past due obligation with the bank,” ayon sa DBP.

Sa isa sa mga sagot ng AMTC sa liham ng DBP, nangako si Rodriguez na tapat umano siyang maghanap ng paraan para makabayad nang hindi mapipilay ang operasyon ng AMTC.

“As we have no current means to pay this amount, we implore you to reconsider your decision and give us the opportunity to sit down with you.” sinabi ni Rodriguez sa sulat niya sa DBP noong Setyembre 16, 2024—o halos dalawang linggo bago ang simula ng paghain ng COC sa Comelec para sa election 2025.

Nagpadala naman ang LBP ng kanilang final demand letter sa AMTC noong Disyembre 13, 2024 para bayaran ng kompanya ang utang na nagkakahalaga ng P3.413 bilyon, na maaari pang tumaas dahil hindi pa dito kasama ang karagdagang interes, penalty, at iba pang mga surcharge.

Ayon pa sa LBP, dalawang beses nang nagsagawa ng restructuring ang bangko para sa utang ng kumpanya--noong Disyembre 23, 2019 at Setyembre 30, 2022. Madaling mangutang, subalit mahirap namang magbayad, ‘no mga kosa?

Abangan!

CAMIGUIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with