^

PSN Opinyon

Ano ang gagawin kung may migraine headache

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

MARAMI ang nakararanas ng migraine headache. Ano ba ang migraine headache? Ito ay ‘yung nakararanas na masakit sa kalahating parte ng ulo. Nakararanas din ng pagkahilo, pagsusuka, sensitibo sa liwanag, ingay at parang pagod na pagod ang may migraine.

Kung nakararanas ng migraine headache, gawin ang mga sumusunod na payo:

1. Iwasan ang mga triggers na pagkain, kumain ng regular tatlong beses sa isang araw at uminom ng sapat na tubig.

2. Magkaroon ng sapat na tulog. Iwasang magpuyat.

3. Kung mag-eehersisyo, piliin lamang ang kaya ng inyong katawan o iyong mga magagaan lamang.

4. Relaxation technique: magpamasahe, meditation, at ang pagligo ng maligamgam na tubig ay may tulong para mabawasan ang sakit ng ulo.

5. Cold compress para sa masakit na ulo. Warm compress sa masakit na muscle.

6. Iwasan ang sobrang mapagod, pati na ang sobrang lamig o init.

7. Kumunsulta sa neurologist kung sobra ang sakit ng ulo, sobrang hilo, nagsusuka, walang balanse, may mataas na lagnat, at kung nawalan ng malay.

Narito ang iba pang uri ng headache:

1. Tension headache – Pakiramdam na parang may headband sa noo at mahigpit o masikip sa noo at likod ng ulo. Kapag hinawakan ang balat, masakit sa anit, leeg o balikat dahil sa stress, galit, pag-aalala, lungkot at kaba.

2. Cluster headache – Ang sakit na pumupunta sa may mata, mukha, ulo, leeg at balikat. Sa isang parte lang nakararanas ng pagluluha at mapula ang mata, may sipon, at sobra ang sakit.

Panghuling payo: Kadalasan sumasakit din ang ulo ng mga bata at teenagers sa ilang kadahilanan tulad ng stress sa eskuwela, kaibigan at pamilya. Minsan, masakit ang ngipin, o may impeksyon sa tenga o lalamunan.

vuukle comment

DOC WILLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with