^

PSN Opinyon

Mabuting intensiyon pero masamang paraan

IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

Kaso ito ni Atty. Ramos na binawian ng karapatan bilang abogado (disbarment).

Magkakilala at magkaibigan na sila ni Mila Habang nasa kolehiyo. Pagkatapos mag-aral nagkita sila muli. Ang ka­patid­ ni Mila na si Danny na nasa ibang bansa ay gustong ipawalambisa ang kasal upang makapagpatuloy sa pagtatrabaho sa ibang bansa.

Sinabi ni Atty. Ramos kay Mila na may kilala siyang huwes sa probinsiya na nagpapawalambisa sa kasal pero may bayad. Sinabi ni Mila sa kapatid na si Danny na si Atty. Ramos ang magiging abogado niya sa kaso at babayaran ng attorney’s fees na P180,000, P90,000 pagkatanggap ng kaso at P90,000 paglabas ng desisyon ng korte bilang bayad sa Huwes.

Pagkaraan, ibinigay na ni Atty. Ramos kay Mila ang desis­yon. Ngunit inabisuhan ng National Statistics Office (NSO) si Mila na wala naman silang record na nasabing kasal na pinawalambisa. Tinawagan ni Mila si Atty. Ramos pero hindi na niya makontak ito. Kaya sinulatan na niya si Atty. Ramos at sinabing ang desisyon ay peke at huwad.

Hiniling ni Atty. Ramos kay Mila na huwag munang mag­sampa ng kaso at kukuha siya ng totoong desisyon ng korte. Ngunit kahit sa tagal ng panahon hindi parin nakakuha si Atty. Ramos ng totoong desisyon dahil peke pa rin ang desis­yong nakuha niya.

Inamin ni Atty. Ramos na sangkot siya sa mga ganitong­ pamamaraan ngunit sinabi niya nga hindi siya kasama rito at ginawa lang niya ito upang tulungan si Mila at siya ay niloko rin. Ngunit nirekomenda pa rin ng “Investigating Com­mission” ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na suspindihin si Atty. Ramos ng limang taon.

Kinumpirma ng Supreme Court ang desisyon ng IBP ngu­nit ang parusa sa halip na suspensiyon ng limang taon lang, ay tinanggalan ng karapatan si Atty. Ramos para maging abogado. Ayun sa SC, ano pa man ang intensiyon ni Atty. Ramos ang ginawa niya ay dinumihan ang abogasya at ang hukuman. Nilabag niya ang kanyang sinumpaan bilang abogado na dapat maging tapat at sundin ang mga batas at lahat nang nakalagay sa Saligang Batas. Ang mag-imbento ng desisyon ng korte o gumawa ng hakbang patungo rito ay pinagba­bawal ng Code of Professional Responsibility (CPR).

Ang karapatang maging abogado ay hindi isang kara­patan kundi isang pribilehiyo lang. Ito ay binibigay lang sa mga taong may mabuting katangian. Kahit na ginawa ni Atty. Ramos ito upang makatulong lang kay Danny, ginawa niya ito ng may malisya kaya hindi dapat igawad ang kanyang kahilingan. Kailangang mapanagot siya bilang isang opisyal ng korte para pangalagaan ang propesyon. Dapat talagang tanggalan siya ng pribilehiyo bilang abogado. (Bartolome vs. Reyes AC 13226, October 4, 2023).

vuukle comment

INTENSYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with