^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ituro ang kinaroroonan ni Pastor Quiboloy

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Ituro ang kinaroroonan ni Pastor Quiboloy

Dapat gumawa ng hakbang ang Philippine National Police (PNP) sa sinabi ni dating President Rodrigo Duterte na alam nito ang kinaroroonan ng wanted pastor na si Apollo Quiboloy. Hindi dapat balewalain ang ipinahayag ni Duterte at magsagawa ng pag-iimbestiga kung may katotohanan ang ipina­hayag ng dating Presidente.

Kung totoo ang sinabi ni Duterte na alam niya ang kinaroroonan ni Quiboloy pero hindi raw niya sasa­bihin, maaakusahan siya ng obstruction of justice­. Ma­aaring akusahan na pinagtatakpan niya ang pinag­tataguan ng kaibigang pastor na nahaharap sa mara­ming kaso kabilang ang sexual and child abuse at human trafficking.

Hanggang ngayon wala pang isinasagawang pag-iimbestiga ang PNP kung may katotohanan ang ipinahayag ni Duterte ukol kay Quiboloy. Ayon sa tagapagsalita ng PNP tinitingnan nila na baka nagbibiro lang ang dating Presidente sa sinabi nito. Gusto raw nilang malaman ang buong context ng mga sinabi ni Duterte bago sila gumawa ng hakbang.

Nakapagtataka naman kung bakit magbibiro si Duterte sa kinaroroonan ni Quiboloy. Bakit kaila­ngang gawin niya ito? Una na niyang sinabi noon na dapat sumunod sa batas si Quiboloy pinayuhan niyang sumuko na ito.

Nang magsisilbi naman ng warrant of arrest ang PNP sa tahanan ni Quiboloy noong nakaraang buwan­ at nagkaroon ng kaguluhan, sinabi ni Duterte na ma­sya­dong marahas ang PNP. Hindi raw dapat nag­kagulo at may mga nasaktan pang followers ng appointed Son of God.

Hindi malaman kung ano ang mga totoo sa sinasabi ng dating Presidente ukol kay Quiboloy. Sa halip na magkaroon ng katiwasayan at kaayusan ay nababahiran ng kalituhan. Kung talagang may pagmamahal siya sa kapayapaan, katahimikan at patas na hustisya, ituro niya ang kinaroroonan ni Quiboloy. Harapin nito ang inaakusa.

Hindi na dapat umabot pa sa kaguluhan ang lahat. Hindi na dapat pang isekreto ang kinaroroonan ng pastor.

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with