^

PSN Opinyon

Mga dapat gawin kung may kabag

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

KABAG ang tawag sa hangin sa tiyan. Nangyayari ito kapag ang hangin ay hindi nailabas ng pagdighay at pag-utot. Nabubuo ito sa bituka at nagbo-bloat.

May pagkakataon na ito ay matigas at sobrang sakit at nangyayari kung sobra ang hangin sa tiyan. Kung ma­aalis ang hangin, mawawala ang sakit.

Kaugnay din dito ang LBM at lactose intolerance.

Dahilan sa pagkakaroon ng hangin sa tiyan ang mga pagkaing matataba. Nagdudulot din ng hangin ang beans, at ilang gulay.

Ang pagkakaroon ng hangin sa tiyan ay resulta rin ng stress, labis na pag-aalala at paninigarilyo.

Para maiwasan ang kabag nararapat na bawasan ang mamantikang pagkain. Napapatagal kasi nito ang pagtunaw ng pagkain.

Bawasan din ang mga pagkaing nagbibigay ng hangin sa tiyan gaya ng beans, peas, repolyo, sibuyas, broccoli, cauliflower, pasas, prunes, bran cereals at muffins.

Itigil ang pag-inom ng soft drinks dahil nagdudulot ito ng hangin sa tiyan.

Iwasan din ang pagkain ng chewing gum at matigas na candy.

KABAG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with