^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Balik sa dating school calendar

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Balik sa dating school calendar

Sa summer ng 2025, hindi na mananatili sa “oven” na classroom ang mga estudyante dahil magtatapos ang school year 2024-2025 sa Abril 15. Sa sunod na SY 2025-2026, balik na sa talagang school calendar na Hunyo-Marso. Hindi na mararanasan ng mga estud­yante lalo sa public school ang matinding init na gaya ng naranasan noong nakaraang Abril na maraming estud­yante ang nawalan ng malay dahil sa matinding init.

Ang mabilis na pagpapasya ni President Ferdinand Marcos Jr. sa pagbabalik sa dating school calendar ay nararapat. Kung patatagalin pa ang pagpapasya sa problemang ito, walang ibang kawawa kundi ang mga estudyante sa pampublikong eskuwelahan. Wala rin namang maipagkaloob na mga magagamit na electric­ fan sa classroom. Sa dakong huli, pinayagan na ang online classes para huwag nang danasin ng mga estudyante ang grabeng init sa classroom. Ilang raw ding sinuspende ang klase noong Abril sa maraming lugar sa bansa dahil sa matinding init na umabot sa 42-45 degrees ang heat index.

May mga tumutol pa sa agarang pagbabalik sa dating­ school calendar dahil hindi raw makukumpleto ang 180 school days. Para raw makumpleto ang school days ng estudyante, kailangang pumasok ng Sabado ang mga estudyante. Makukulangan daw ang kaalaman ng mga estudyante kung hindi makukumpleto ang araw ng papasok.

Subalit inaprubahan ng Presidente na magbubukas­ ang klase ng Hulyo 29, 2024 at magtatapos ng Abril 15, 202. Hindi na raw kailangan na pumasok ng Sabado. Ang pag-apruba sa pagbubukas ng klase ay inihayag ni Marcos sa sectoral meeting kasama si Vice President at DepEd Sec. Sara Duterte. Sabi ng Presidente, ito na raw ang simula ng dahan-dahang pagbalik sa dating school year calendar.

Hindi na magdaranas ng grabeng init ang mga estud­yante sa pagbabalik ng dating school calendar. Mapapanatag na ang kalooban ng mga magulang sapagkat sa buong buwan ng Abril at Mayo ay mananatili ang kanilang mga anak sa bahay. Hindi na matitigatig na magkakasakit ang mga anak dahil sa matinding init.

Sa pagbabago o pagbalik ng school calendar, nara­rapat din namang magkaroon ng pagbabago sa sistema ng pagtuturo. Kapansin-pansin ang kahinaan ng mga estudyante sa Math, Science at Reading Com­pre­hension. May mga bata sa Grade 2 ang hindi pa ma­runong sumulat at bumasa.

Ang problemang ito ay nararapat ihanap ng solus­yon ng DepEd. Hindi dapat mapag-iwanan ang mga bata sa paglinang ng kaalaman.

vuukle comment

SCHOOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with