^

PSN Opinyon

Gen. Lee at Quiboloy raiders, itinapon sa kangkungan!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Parang itinapon sa kangkungan ang mga opisyales ng PNP na nag-serve ng arrest warrant laban kay Pastor Apollo Quiboloy sa Kingdom of Jesus Christ compound sa Davao City nitong Lunes. Sa totoo lang, inutusan lang itong mga PNP officials para arestuhin si Quiboloy at lima pa niyang kapwa akusado sa kasong child abuse, sexual abuse at human trafficking.

Ang problema lang, bigo ang mga kapulisan na maaresto si Quiboloy at ang isinagawang raid ay inulan ng pagdenunsiyo dahil, ayon sa mga kritiko, “overkill” ito. Imbes na depensahan ang kanyang mga tauhan, ang naisip na dahilan ng nag-utos sa mga raiding team ay sibakin na lang sila. Asan ang leadership? Dapat ang nag-utos ng raid ang sibakin. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Nagulat ang mga kosa ko sa Camp Crame nang maglabas ng order si DPRM director Maj. Gen. Sidney Hernia na ini-relieve sa puwesto sina Maj. Gen. Ronald Lee, ng Directorate for Operations; Brig. Gen. Aligre Martinez, director ng PRO11 at Col. Edwin Portento, ng Intelligence Group, na may key roles sa pag-raid sa compound ni Quiboloy. Effective ang reshuffle June 14. Ang tatlo ay nasa floating status at magre-report lang sa RHAU ng DPRM.

Sinabi ng mga kosa ko na may dalawang major general pa sana na madawit sa relief orders subalit sinalba sila ni Lee, na nagsilbing ground commander ng pagsilbi ng arrest warrant.

Kaya ang action ni Lee ay umani ng pogi points sa kapulisan sa Camp Crame dahil siya lang ang totoong lider na handang isakripisyo ang sarili para maisalba ang mga kasama. Dipugaaaaa! Sumunod lang sa utos nasibak pa. Huhuhu! Kay sakit Kuya Eddie! Mismooooo!

Kaya naman nag-iingay si Tatay Digong ay dahil walang search warrant ang mga police raiders na di naaayon sa batas. Kaya lang, iginiit ng mga kosa kong abogado na di na kailangan ang search warrant kung patok ang intel ng raiders na nandun nga sa compound si Quiboloy.

Ang catch lang, bigo ang mga raiders na maaresto si Quiboloy. Mga kosa kong abogado, ano sa tingin n’yo ang nasa tama? Itong kampo ni Tatay Digong o mga police raiders na kumunsulta rin sa mga kilalang abogado? Siyempre, come to the side ni Tatay Digong ang anak na si Vice President at Dep-Ed Sec. Sara Duterte. Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!

Dahil inaatake na ni Tatay Digong ang Palasyo, abayyyyy pumasok na ang pulitika sa sigalot kaya’t ang solusyong naisip ay ang pagsibak ng mga key players sa raid at inabot nga si Lee, Martinez at Portento.

Sobrang malas naman nitong si Portento dahil ilang beses na itong akmang mag-heneral subalit palaging nauudlot. ­Naging ex-O na ito ng DPRM tapos dinala sa PRBS at nitong IG na TO din sa pagka-heneral sinibak pa habang ang promotion papers ay tumatakbo na.

Ganyan talaga ang buhay Col. Portento Sir. Dadaan ka muna sa maraming pagsubok bago ipagkaloob ang minimithi mong puwesto. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Masamang halimbawa ang pagkasibak kay Lee at kasama dahil sino na lang ang susunod sa utos na huhulihin si Quiboloy at baka maisunod silang matapon din sa kumunoy? Dipugaaaaa! Ano sa tingin mo Sec. Benhur Abalos Sir? Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with