^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Chinese visitors higpitang todo

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Chinese visitors higpitang todo

Nararapat lamang ang ginagawa ng Department­ of Foreign Affairs (DFA) na paghihigpit sa mga bumibisitang Chinese sa bansa. Nagdagdag ang DFA ng visa requirement sa mga nag-aaplay ng temporary visitor’s visa. Nire-require na mag-submit ng Chinese Social Insurance Record Certificates ang mga bibisita sa bansa.

Noong nakaraang buwan, una nang inihayag ng DFA na maghihigpit na sila sa pagbibigay ng tourist­ visa sa Chinese nationals. Ang paghihigpit ay dahil sa mga report na may mga passport at visas na illegal na naisyu kaya maraming Chinese nationals ang labas-masok sa bansa. Marami rin ang overstay na Chinese.

Ayon pa sa DFA, maraming dahilan kaya ipinag-utos ang paghihigpit. Pero ito raw ay ipatutupad para na rin sa kapakanan ng ibang Chinese na nagiging biktima ng mga illegal na Philippine Offshore and Gaming Operators (POGOs). Marami raw Chinese ang kinikidnap ng kapwa Chinese at pinatutubos ng ransom. Meron ding biktima ng human smuggling, prostitution at iba pang krimen.

Bukod sa POGOs, ang paghihigpit ng DFA sa pagbibigay ng visitors visa ay kasunod nang pagdagsa ng Chinese students sa bansa partikular sa Cagayan at nagsipag-enrol sa mga unibersidad. Ang nakapag­tataka, naninirahan ang mga estudyante sa EDCA sites. Ayon naman sa mga local officials ng Cagayan, mga lehitimo ang mga estudyante at inaprubahan ng Commission on Higher Education.

Ang mga illegal POGOs ngayon ang naghahatid ng pangamba sapagkat maraming Chinese ang naka-empleyo sa kanila. Sa mga sinalakay na POGO hubs sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga, maraming Chinese ang naaresto. Pinaghihinalaan naman na may nakapasok na espiya ang China at naka-empleyo sa POGOs. Ito ay makaraang makakumpiska ng limang uniporme ng People’s Liberation Army (PLA) sa Porac noong Hunyo 2.

Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), tinatayang may 300 illegal POGOs sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Kung ganito karami ang POGOs, nasa panganib ang pambansang seguridad ng bansa. Maaring napasok na nga ng espiya ng China ang bansa at ang POGOs ang kanilang gina­gamit para mapalawak ang pagmamanman. Hindi imposible na maaring magising ang sambayanang Pilipino na nakapaligid na ang mga sundalong Intsik.

Maghigpit pa nang todo ang DFA sa pagtanggap ng bisitang Chinese. Bantayan din ang mga tiwali sa Bureau of Immigration (BI) at baka sila ang maging daan para makapasok na naman ang mga Chinese. Matatandaan ang “pastillas scam” kung saan nagsusuhol ang mga Chinese ng P10,000 bawat isa sa mga korap sa BI para makapasok nang walang kahirap-hirap. Bantayan ang Chinese gayundin ang mga korap sa BI.

vuukle comment

DFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with