^

PSN Opinyon

Hindi sa Diyos si Quiboloy

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Sa patuloy na pag-iwas ni Apollo Quiboloy sa mga tauhan ng batas na aaresto sa kanya, pinatutunayan lang niya na hindi siya totoong sa Diyos. Kung siya ay sa Diyos, susunod­ siya sa halimbawang ginawa ng Panginoong Hesus na kusang sumuko sa mga kawal Romanong umaresto sa kanya.

Katunayan, isa sa mga alagad ng Panginoon ang humugot ng tabak at tinapyas ang taynga ng arresting officer na darakip sa kanya. Subalit kalmado ang Panginoon na dinampot ang putol na taynga at ikinabit muli sa taong  pinagmulan nito.

Mahinahon sumama si Hesus sa mga umaresto sa kanya kahit batid niya na ang mangyayari sa dakong huli ay ang pagkakapako niya at kamatayan sa krus. Maamong tupa siyang sumama kahit ang mga akusasyon sa kanya ay kasinungalingan.

Nang isisilbi ng mga pulis ang arrest warrant kay Quiboloy, sinabi ng mga pulis na may mga miyembro ng kanyang pinamumunuang samahan ang armado ng mga itak. Talagang handa silang lumaban sa mga humuhuli sa kani­lang kinikilalang panginoon.

Si Quiboloy ay nahaharap sa kasong human trafficking­, rape at illegal detention. Ang mga kaso niya ay hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa United States.

Hindi puwedeng ihambing ang kaso ni Quiboloy sa kasong kinaharap ng Panginoong Hesus. May karapatan siyang idepensa sa korte ang kanyang sarili pero tingin niya sa sarili ay may privilege siya na labagin ang batas sa di pagkilala sa warrant of arrest laban sa kanya.

Sana magising na sa katotohanan ang mga miyembro niya ay matamo na matagal na silang niloloko ng kinikilala nilang panginoon na umagaw sa papel ni Hesus na taga­­pagligtas ng sanlibutan.

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with