^

PSN Opinyon

Hidwaang Marcos-Duterte laman na ng foreign media

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Iniulat na sa international press ang alitan ng mga Marcos at Duterte. Hindi na ito maitatago maski nagbebeso-beso pa sa publiko sina President Bongbong Marcos at Vice Pre­sident Sara Duterte.

Pati ang matimpiing The Economist, na unang nilimbag nu’ng 1843, ay naglaan ng malaking espasyo nu’ng Abril 27 sa away pulitika. Kinasusuklaman umano nina Marcos at Duterte ang isa’t isa.

Isang sanhi ng sigalot ay partehan ng pondo ngayong 2024, anang The Economist. Pinagkaitan ng maka-Marcos na kongreso si Duterte ng P650-milyong confidential-intel­ligence funds bilang VP at secretary of education. Samantala nagpapala ang Office of the President ng P4.5-bilyong CIF.

Nagbabanggaan din umano ang direksiyon ng dalawang­ political dynasties. Nag-Unity ticket sina Marcos at Duterte nu’ng halalan 2022 dahil daw sa lihim na kasunduan. Matapos­ mag-presidente ni Marcos ngayong 2022-2028, si Duterte naman ang hahalili sa 2028-2034.

Pero binabago ng maka-Marcos na Kongreso ang mga probisyon ng Konstitusyon tungkol sa dayuhang puhunan. Duda raw ng mga Duterte ay mauuwi ito sa pagpapalawig ng termino ng mga kasalukuyang halal na opisyales. Etsa-pwera si Duterte.

Nagmamatyag ang America at China. Pinapasok ni dating President Rody Duterte, ama ni Sara, ang Chinese poachers­ sa West Philippine Sea. Pinalalayas sila ni Marcos, sa tulong ng U.S. armed forces.

Hindi na napigilan ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang sarili. Pinatutsadahan niya ang pagdalo ni VP Sara sa Davao City rally ku’ng saan tinawag ng ama na “cocaine addict” si President Bongbong.

Sinopla ni Bongbong si Rody Duterte na hilo umano sa fentanyl opioid na panlunas nito sa sakit ng katawan.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with