^

PSN Opinyon

‘Hindi ko alam’

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Patuloy ang misteryo sa likod ng pagkakakilanlan ni Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac. Hindi magka­tugma-tugma ang lahat ng pahayag ni Guo hinggil sa kanyang pamilya, pinanggalingan at mga negosyo na bini­tawan na raw niya. Ayon sa Philippine Statistics Authority, baka gawa-gawa lang ang kanyang inang si Amelia Leal. Nala­­man lang daw niya ang pangalan ng ina noong 2005 nang ipakita ng kanyang ama ang birth certificate pero kahit kailan, hindi niya ito nakilala.

May drama pa siya na bunga siya ng pag-ibig ng kan­yang ama at ni Amelia na isang kasambahay. Lumaki raw sa farm. Pero ayon sa birth certificate, kasal ang kanyang mga magulang at may dalawa pa siyang kapatid. Ang pahayag na inabandona siya ay tila hindi na kapani-paniwala. Pinuna rin ni Sen. Risa Hontiveros na nagmay-ari siya ng 16 na iba’t ibang uri ng sasakyan. Si Sen. Win Gatchalian naman­ ang nagsabing hindi ordinaryong tao si Guo dahil ayon sa SALN, nasa P300 milyon ang kayamanan nito. May heli­copter din daw si Guo. Tulad ng dati, hindi na raw sa kanya ang lahat na iyan dahil binenta na niya.

Lumabas din na ang kanyang mga naging incorporator sa lupang pag-aari niya sa Baofu compound ay sangkot sa iba’t ibang iskandalo. Pugante ang isa at ang dalawa ay may kasong money laundering sa Singapore. Hindi rin daw niya alam ang mga iyan. Anong klaseng negosyante si Guo kung hindi man lang inaalam kung sino ang magi­ging kasama sa negosyo? O alam ba niya at patuloy pa rin ang pagkukunwari at pagsisinungaling? Pahayag nga ni Hontiveros, puro butas ang kanyang mga pahayag kaya maaaring puro butas din ang pagiging Pilipino niya.

Masyadong maraming banderang pula ang lumalabas­ hinggil sa pagkatao ni Guo. Puro na lang “hindi ko alam”. Kung paano naging mayor si Guo ay dapat maimbestigahan. Bakit ngayon lang naglantaran lahat iyan? Ano ang kinala­man ng nakaraang administrasyon na sinasabi niyang tumu­long sa kanya? May mga mungkahi na ang Comelec, DILG at DOJ sa kaso ni Guo. Dapat ipagpatuloy na ang mas ma­suring imbestigasyon at baka kung ano pa ang lumantad.

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with