^

PSN Opinyon

Matapos ipagbawal ang dynasties, ano na?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

DALAWA ang utos sa Artikulo II, Pahayag ng mga Simulain at mga Patakaran ng Estado, Seksyon 26 ng Konstitusyon. Una, “seguruhin ang pantay na pag-uukol ng mga pagkaka­taon para sa lingkurang pambayan.” Ikalawa, “ipagbawal ang mga dinastyang pulitikal ayon sa maaaring ipakahulugan ng batas.”

Tatlumpu’t pitong taon na ang Konstitusyon pero hindi pa rin nagsasabatas ang Kongreso kontra dynasties. Da­lawa sa bawat tatlong senador at representante kasi ay dynasts. Sila-silang magkakamag-anak na lang ang naghahari. Ninenegosyo ang pulitika. Ayaw bumitiw sa puwesto. Parang mga linta na sumisipsip ng dugo at lakas ng bansa.

Dalawang batas ang dapat ipasa batay sa utos ng Kons­titusyon:

l Reporma sa mga partidong pampulitika – palakasin ang mga partido. Obligahin sila magdaos ng taunang pulong ng kasapian. Obligahing maglahad ng plataporma ng gobyerno. Obligahing ituro ang plataporma sa bawat kasapi.

Obligahing magkaroon ng mga lokal na sangay. Obli­gahin ang malinis na halalan ng pambansa at lokal na opis­yales. Obligahin ang mga kasapi pumili ng pambansa at lokal na kandidato sa halalan.

l Tulungan magkapondo ang mga partido – palahukin ang mamamayan sa pagpondo sa nais nilang plataporma.

Sa taunang bayaran ng income taxes, isingit ang tanong kung nais ng tax filer mag-ambag sa partido. Kung oo, isu­sulat niya ang pangalan ng partido. Isang halaga lang ang maari iambag ninuman: ehemplo, P200. Kung walang pi­niling partido, maari pa ring mag-ambag ng P200. Ikakalat ito ng Comelec sa maliliit. (Bukod ang ambag sa kandidatos.)

Kapag hinihirang ng kasapian ang kandidatos, masasala ang political dynasts. Maglalaho na sila.

Kapag may dagdag pondo ang mga partido, hindi na sila aasa sa mga oligarko at dynasts. Sisilbihan nila ang interes ng madla.

vuukle comment

POLITICS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with