^

PSN Opinyon

Wagi ang OceanaGold mining sa Nueva Vizcaya

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

NAGWAGI ang OceanaGold mining firm na wasakin ang pagkakaisa ng mga residente ng Bgy. Didipio, Kasibu, Nueva Vizcaya. Nanaig ang negosyo kaysa interes ng mga taga-Didipio.

Nagsampa ng petition for certiorari sa Bayombong Regional Trial Court sa pamamagitan ng Legal Rights and Natural Resources Center ang mga taga-Didipio at Simbahan sa pangunguna ni Bishop Jose Elmer Mangalinao upang ipawalambisa ang financial/technical assistance agreement ng OceanaGold mining firm dahil walang konsultasyon sa mamamayan.

Dalawang dekada nang tinututulan ng mamamayan at Simbahan ang open pit mining operations ng OceanaGold sa Didipio. Tinututulan nila ang masamang epekto nito sa kabuhayan ng nakararaming mamamayan na pawang mga magsasaka.

Nai-renew ng OceanaGold ang FTAA noong nakaraang taon at maraming mamamayan ang nagdududa na may kababalaghang nangyari. Isinantabi naman ng pamahalaan ang mga hinaing ng mamamayan sa OceanaGold.

Sinusuportahan naman ng barangay captain ng Didipio na si Henry D. Guay,ang operasyon ng OceanaGold.  Ayon sa barangay captain, karamihan daw sa mga taga-Didipio ay sumusuporta sa pagmimina. Todo raw ang suporta nila sa OceanaGold dahil maraming dulot na benepisyo sa  kanilang lugar.

Malinaw ang dahilan kaya nagwagi ang OceanaGold sa Didipio—suportado ng barangay chairman. Nanaig ang interes ng mining company kaysa interes ng mga taga-Didipio.

Asahan na ang pagkasira ng kapaligiran sa hinaharap.

* * *

Para sa suhestiyon: [email protected]

vuukle comment

WINNER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with