^

PSN Opinyon

STL sa QC, apektado ng bookies ng jueteng!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

APEKTADO ang kubransa ng Small Town Lottery sa Quezon City dahil sa naglilipanang bookies ng jueteng ng gambling lords. Kung bumaba ang kita ng STL ng Lucent Gaming and Entertainment  Corporation, tiyak bubulusok din pababa ang taxes na mapupunta sa gobyerno.

Kaya humihingi ng tulong ang Lucent kay QCPD director Brig. Gen. Redrico Maranan at PCSO General Manager Mel Robles para matapos na ang bookies operations ng mga bataan ni Bryan Encarnacion alyas Bryan Adame. Tsk tsk tsk! Paano na lang ang mga maliliit na kubrador? Naiipit sila, di ba mga kosa?  Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ang masama pa riyan, gumagawa ng fake news ang tropa ni Encarnacion para gibain ang magandang imahe ng Lucent. ‘Ika nga ikinakalat ng tropa ni Encarnacion na komonti ang kita ng mga kubrador sa STL dahil sa pagtayo ng Lucent ng mga booth sa ilang sulok ng Quezon City.

Kung noon, kumikita ng P1,000 ang mga kubrador, abayyyyy sa ngayon halos P200 hanggang P300 na lang ang kanilang take home pay sa isang araw. Halos hindi magkasya sa gastusin ng kanilang pamilya. Araguyyyyy!

Subalit pinabulaanan naman ng Lucent na hindi nila empleyado si Encarnacion dahil bookies ang lakad niya. Ano ba ‘yan? Dipugaaaaa!

Si Encarnacion ang namuno sa mga bookies operators para iparating ang kanilang problema kay Mayor Joy Belmonte na pinag-aralan kung ano ang win-win solution sa problema. Subalit sinisiguro ng mga kosa ko na papanigan ni Mayor Belmonte ang legal na STL operations ng Lucent. Humihirit naman ng suporta kay Mayor Belmonte ang Lucent dahil sa paninira ng illegal na jueteng at lotteng bet collectors. Mismooooo.

“Walang katotohanan ang lahat na mga sinasabing reklamo kasi ang grupo ni Encarnacion alyas Adame ay hindi kailanman naging bahagi ng aming lehitimong STL games,” ang paliwanag ng management ng Lucent. Eh di wow! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Sanamagan!

Si Encarnacion ay matagal nang nag-ooperate ng bookies ng jueteng sa Quezon City gamit ang resulta ng Lotto play ng PCSO. Katunayan naaresto na ito ng mga tauhan ni NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez. Hindi lang ‘yan! Ayon sa Lucent nakaharap din ito ng kasong kriminal sa Quezon City RTC. Sal-it! Hindi umubra ang pagpakalat ng paninira ni Encaarnacion laban sa Lucent dahil wala naman siyang matibay na ebidensiya. Hehehe! Ang sakit sa bangs nito.

Sino naman si alyas Peryako? Ayon sa Lucent, siya ang nasa likod ng operasyon ni Encarnacion, kaya lumakas ang loob ng huli na mag-operate ng bookies ng jueteng sa Quezon City. Kayo mga kosa, kilala n’yo si alyas Peryako?  Hehehe! Parang bagong sibol na gambling lord si Peryako ah. Ano sa tingin mo, Gen. Maranan Sir?

Nakipag-ugnayan na ang Lucent kay Mayor Belmonte, Maranan at Robles para matuldukan na ang jueteng operations ni Encarnacion. Lagot ka ngayon Balbon! Kapag nagsara na ang bookies ng jueteng ni Encarnacion, tiyak tataas na ang kubransa ng Lucent dahil na ikinalat nilang booth kung saan madaling tumaya ang mga parukyano nila, di ba mga kosa? Dipugaaaaa! Abangan!

vuukle comment

STL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with