^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Panibagong ‘ningas-kugon’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Panibagong �ningas-kugon�

Noong nakaraang Abril 11, ipinagbawal ni President Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal at tauhan ng gobyerno ang paggamit ng wangwang at blinkers, dome lights, at iba pang signaling o flashing devices. Ang kautusan ay nakapaloob sa Administrative Order No. 18.

Ang kautusang ito ay dati nang ipinatupad ni President Benigno Aquino Jr. noong 2010. Ipinagbawal din ito ni President Marcos Sr. nang lagdaan ang Presiden­tial Decree No, 96 noong 1973. Sa PD 96, ang maaari lamang gumamit ng sirens, bell, horns at katulad na gadgets ay ang AFP, PNP at NBI, fire trucks at hospital ambulances.

Makaraang ihayag ng Presidente ang kautusan, agad nagpakitang gilas ang Highway Patrol Group (HPG) at nakalambat sila ng 1,707 sirens, blinkers at mga katulad na signaling or flashing devices. Ayon sa HPG, karamihan sa nahuli nila ay mga sasakyan ng pulis at iba pang taong gobyerno. Nangunguna ang Calabarzon, Davao at Caraga sa mga lugar na maraming nakum­piskang accessories at gadgets sa mga sasakyan.

Sana tuluy-tuloy na ang pagdakma sa mga sasak­yang may blinkers, sirens at iba pang illegal attachment. Madalas na nangyayari na masigla lang sa simula ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga sasakyang may illegal attachment at pagkaraan ng dalawang linggo, balik na naman sa masamang gawi. Nawala na ang sigla sa paghuli sa mga may sirens, blinkers at pati na rin ang mga nagwa-wangwang. Balik na naman sa kalye ang mga mayayabang at abusado.

Ipakita ng HPG ang ngipin at walang humpay na huli­hin ang mga abusado sa kalye. Huwag mag-ningas kugon na sa simula lamang ipinatutupad ang batas at kapag naging malamig na ang isyu ay wala nang gina­gawa.

Paigtingin din naman ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang paghihigpit sa mga abusadong dumaraan sa bus lanes. Kahit na alam na bawal sa bus lanes, doon pa rin dumaraan. Karamihan sa mga lumalabag ay mga opisyal ng gobyerno at mga taong inihalal ng taumbayan na ang plaka ng sasak­yan ay numero “7” at “8”. Sabi ni MMDA ang mga ma­a­aring lamang gumamit ng bus lane ay ang convoys ng Presidente, Bise Presidente, Speaker of the House, Senate President, at Supreme Court Chief Justice.

Ang sinumang lalabag ay pagmumultahin ng P5,000 sa unang offense; P10,000, at isang buwan na suspension ng driver’s license sa second offense; P20,000 at suspension ng driver’s license sa loob ng isang taon sa third offense, at P30,000 at pagbawi ng driver’s license sa mga susunod na paglabag.

Hindi sana ningas kugon sa pagpapatupad ng batas. Hindi rin sana “mabahag ang buntot”.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with