^

PSN Opinyon

Mga negosyong local kontrolado ng dynasties

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NILILINLANG tayo ng Kongreso. Pinalalabas ng mga senador at representantes na economic restrictions sa Konstitusyon ang sanhi ng karalitaan.

Kesyo raw atubili ang mga dayuhan mamuhunan sa Pilipinas dahil sa limitasyon sa maaring kapital. Kesyo raw dapat buksan sa dayuhan ang pagnegosyo sa angking yaman tulad ng minahan; utilities tulad ng kuryente, tubig at telecomms; edukasyon; at advertising.

Kesyo masyadong maliit daw ang 40% na dayuhang puhunan. Kesyo dapat daw hanggang 100% ang maaring kapital ng dayuhan para mas maraming kumpanya at trabaho.

Panloloko ito. Nu’ng panahon ng Kastila, kolonyalista lang ang maari mangalakal ng tabako, abaca, kuryente, trambiya, at kolehiyo. Umunlad ba ang Islas Filipinas? Hindi. Kaya nga nag-Propaganda Movement sina Jose Rizal, Marcelo del Pilar at Graciano Lopez Jaena; at nag-Hi­magsik sina Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo at Emilio Jacinto.

Nu’ng panahon ng Amerikano, kolonyalista lang ang maaring magtroso, magmina, magnegosyo ng telepono, barko at kotse. Umunlad ba ang mga Pilipino? Hindi. Kaya nga patuloy na nag-rebolusyon sina Antonio Luna, Apoli­nario Mabini at Miguel Malvar.

Lalong malupit nu’ng panahon ng Hapon. Dayuhan at kolaboretor lang ang maaring magnegosyo.

Political dynasties ang totoong ugat ng karalitaan. Kung saan mas matagal na ang dynasty ay mas dukha ang tao.

Kontrolado ng dynasties ang mga negosyo sa pook nila: constuction supply at hardware, gasolinahan, minahan, pagtotroso, tourismo, hotels, restaurant, ospital, radio-tv stations, lokal na diyaryo.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

ECONOMIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with