^

PSN Opinyon

Opisyales ni Digong, tahimik sa ‘gentleman’s agreement’ sa WPS!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

DAPAT magsalita na ang mga dating opisyales ng admi­nistrasyon ni Tatay Digong kung may alam sila dito sa kontrobersiyal na “gentleman’s agreement” with China patungkol sa West Philippine Sea. Tinatawagan ng mga kosa ko sina Sen. Peter Allan Cayetano, na dating hepe ng De­partment of Foreign Affairs, ex-Defense Secretary at BCDA chairman Delfin Lorenzana na ibulgar na kung ano ang nala­laman nila sa isyu na naging dahilan para magkawatak-watak na naman ang mga Pinoy. ‘Ika nga, isantabi muna nina Cayetano, at Lorenzana ang kanilang political partisanship at pairalin ang national interest. Mismooooo!

Sina Cayetano at Lorenzana ay hepe ng dalawang ahensiya ng gobyerno ni Tatay Digong na sangkot sa usapin sa WPS kaya tiyak may alam sila at dapat malaman ito ng madlang Pinoy. Get’s n’yo mga kosa? Lumalabas kasi sa ngayon, na hindi makapagdesisyon si President Bongbong Marcos sa isyu ng WPS dahil hindi niya alam ang puno’t dulo ng “gentleman’s agreement” sa pagitan nina Tatay Digong at Chinese President Xi Jinping patungkol sa WPS. Get’s n’yo mga kosa?

Sa totoo lang, dapat magkaisa ang mga Pinoy dito sa isyu ng WPS dahil sa banta sa ating bansa ay mula sa China at ang sovereignty ng Pinas ang nakataya. Ang pang­ha­harabas ng China sa WPS ay nagsisilbing wake-up call sa mga Pinoy at manindigan tayo sa ating karapatan na na­a­ayon sa batas ng United Nations.

Sa kabilang dako, nagsalita na si Tatay Digong patungkol sa “gentleman’s agreement” subalit ang mga katagang lumabas sa bunganga niya ay hindi nagbigay linaw sa isyu. ‘Ika nga , nagdulot pa ito ng kalituhan na lalong nagpalabo sa isipan ng 113 milyon na mga Pinoy. Sanamagan! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ang tanong sa ngayon ng mga kosa ko, totoo kaya na napaloob sa “gentleman’s agreement” ang usapin na kaila­ngan ng gobyerno ng Pinas na kumuha ng permit sa China para sa resupply mission ng military ng bansa sa mga resupply mission sa Ayungin Shoal? Kasama ba dito ang pag­kitil sa karapatan ng Pinas sa pagdala ng construction supplies sa permanent structures sa WPS?

Hindi naman kaila sa inyo mga kosa na ilang ulit nang hina­harrass ng China ang mga resupply ship ng Pinas sa gitna ng WPS at maging ang ating mga mangingisda ay pinagbawalan nilang mangisda sa area na sakop pa ng bansa ayon sa batas ng UN. Kaya’t hinikayat ng mga kosa ko sina Cayetano at Lorenzana na ibuka na nila ang bibig nila patungkol sa WPS, na maging ang Chinese embassy ay nagkomento na dito. Araguyyyyy! Ang sakit sa bangs nito!

Samantala, kalmado lang si BBM at hindi naghimasok sa isyu habang inaarok ng mga alipores n’ya kung may katotohanan itong “gentleman’s agreement’ with China. Si BBM ay kararating lang mula U.S. kung saan nag-usap sila ni U.S. President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida sa historic trilateral meeting sa Washington DC.

Ang magandang balita ni BBM sa mga Pinoy ay lalong tumibay ang alliance ng Pinas sa U.S. at iba pang bansa, lalo na sa aspeto ng security at economic engagements. ‘Ika nga, the president brought home the bacon! Abangan!

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with