^

PSN Opinyon

Pulis na may tattoo, humanda kayo

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

IPINAG-UTOS ni PNP chief Gen. Rommel Marbil sa mga pulis na huwag mangongolorum. Ayon kay Marbil, pagmumultahin niya ng P1 milyon ang pulis na mangongolorum. Kapag ipinatupad ito ni Marbil, maraming sasakyan ang mababawas sa mga pangunahing kalye sa Metro Manila at luluwag ang trapik.

Ang tanong, ito na kaya ang hudyat na mawawalis ang lahat ng mga kolorum na sasakyan sa bansa? Maipatupad kaya ito nang maayos ni Marbil?

Kung seryoso si Marbil sa paghuli sa mga pulis na mangongolorum siguradong marami ang tatamaan. At kapag naisakatuparan ito, pupurihin nang marami si Marbil. Tiyak din na aangat ang nakasubsob na imahe ng PNP. Alam naman ng madlang Pinoy na walang ibang sumisira sa imahe ng PNP kundi ang mga scalawag na miyembro.

Simulan ni Marbil ang kampanya laban sa pangongo­lorum sa pagwasak sa mga pinagtataguang terminal ng mga kolorum na sasakyan ng pulis. Ipahanap din niya ang mga barkers dahil ang mga ito ang nakakakilala sa mga kolorum na sasakyan ng pulis.

Nalaman ko na ang pinagmamalaki ng mga pulis na nangongolorum kapag sila ay nahuli ay ang kanilang padrino sa MMDA, LTFRB, LTO at PNP-HPG. At walang ma­gawa ang mga nakahuli kundi hayaan na lamang ang pulis na nangongolorum.

Siyanga pala, hindi lamang pangongolorum ang ipinagbabawal ni Marbil sa mga pulis. Meron pang isa. Ito ay ang pagbabawal sa mga pulis na magpa-tattoo. Kapag may tattoo ang pulis, ipinag-utos ng PNP chief na burahin ito.

Palagay ko maraming masasampolan sa kautusang ito dahil maraming pulis ang may tattoo. Tama ang kautusan ni Marbil. Ang sagwang tingnan ng pulis na may tattoo.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with