^

PSN Opinyon

Ang mga sustansiyang dulot ng saluyot at kamote

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang saluyot ay isa sa pinakamasustansiyang gulay sa mundo.

Puwede ito sa mga taong may diabetes, sakit sa puso at may mataas na cholesterol.

Siksik ito sa bitamina at minerals tulad ng Vitamin A, C, E, K, Riboflavin o vitamin B2, Niacin o B3, Panthotenic acid o B5, Pyridoxine o B6, Folate o B9, calcium, iron, copper, potassium at iba pa.

Ang kahalagahan ng mga bitaminang ito na makukuha sa saluyot para sa ating katawan:

1. Ang vitamin K ay bitaminang nakatutulong upang labanan ang pagdurugo.

2. Ang vitamin A at beta-carotene ay para sa mata, balat o skin growth, pagre-repair o pagsasaayos ng selula sa ating katawan tulad ng paggaling ng sugat.

3. Ang vitamin B6 o Pyridoxine ay para makaiwas sa sakit sa mata na dahil sa pag-edad tulad ng age related macular degeneration.

4. Ang vitamin C o ascorbic acid ay napakalaking tulong para sa ating immune system at balat, at upang makaiwas o makapagpagaling sa ubo at sipon at hindi mauwi sa pulmonya o impeksyon sa baga.

5. Ang calcium ay kailangan para mapatibay ang buto, ipin at gilagid.

6. Ang vitamin E ay para lumakas ang immunity, magkaroon ng malusog na buhok at mata.

7. Ang iron ay kailangan para sa malusog na red blood cells.

Iluto ito bilang sahog sa dinengdeng, inabraw, paksiw, ginisang labong, sa sopas at bulanglang.

* * *

Kamote

Maraming benepisyo na makukuha sa kamote. Mabuti ito para sa puso, mata, tiyan, diabetes at nagpapapayat.

1. May beta-carotene or provitamin A para sa mata, puso, pagbabara ng ugat at kakulangan ng daloy ng dugo sa mga ugat ng puso at ulo, at sa immunity.

2. Nababagay ang kamote sa may diabetes dahil mababa sa glycemic index kaya dahan-dahang magpataas ng asukal sa dugo. Puwede rin sa mga atleta, may mabigat na trabaho o nagpapagaling na may sakit.

3. Ang kamote ay bagay sa nagpapapayat dahil mababa sa calories, matagal na busog kaya hindi makakakain nang marami.

4. Merong protease inhibitor na maaring makatulong sa pag-iwas ng kanser.

5. Meron iron at vitamin C pinagsama na sa isang gulay.

6. Sa may kidneys stones, may calcium oxalate ang kamote kaya katamtaman lamang ang kainin.

7. Maganda sa tiyan ang kamote dahil tumutulong sa pagbuhay ng healthy bacteria sa tiyan tulad ng Bifidobacterium at Lactobacillus na bagay sa makulo ang tiyan at pagtatae.

 

 

(Mula sa kolumnista: mahigpit na ipinagbabawal ang pagkopya, mapa-online, YouTube at iba pang channel ang artikulong ito.)

KAMOTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with