^

PSN Opinyon

DENR nagwawasak ng kalikasan (2)

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

ISA na namang pagwasak ng kalikasan ang gumalit sa Netizens. Ina-advertise online ang multi-swimming pool resort sa gitna ng tatlo sa 1,776 na tanyag na Chocolate Hills sa Bohol. Inuusisa ng netizens kung bakit pumayag ang Department of Environment and Natural Resources sa pagtayo ng permanente at konkretong pasilidad.

Nag-viral ang isyu. Inatasan ng DENR central office na mag-imbestiga ang provincial unit. Pero provincial unit mismo ang naglisensya sa marami pang swimming pool resorts doon. Ikatlo sa anim na National Geological Monuments ng Pilipinas ang Chocolate Hills. Nabuo ito sa coral reefs na umus­bong mula sa mababaw na dagat dalawang mil­yong taon noon. Nominado ito bilang UNESCO World Heritage Site.

Promotor ang DENR sa pagwasak ng Upper Marikina River Watershed sa Rizal. Ito ang dahilan sa mga nakamamatay at mapanirang landslides at baha sa mga bayan sa ibaba: Marikina, Cainta, Pasig, San Juan, at Quezon City.

Pinalalayas ng DENR ang mga boluntaryong nagpuprotekta sa kagubatan. Kinukunsinti ng DENR ang mga illegal na rock quarriers, 30 sindikatong nang-aagaw ng lupa, 24 swimming pool picnic resorts na walang business permits, at dose-dosenang ilegal na magtotroso.

Hinayaan ng DENR ang isang PNP general na magtayo ng mansiyon sa gubat. Hinahayaan din ang mga pulitiko at armadong goons nila na bugbugin at takutin ang mga aktibistang maka-kalikasan.

Nu’ng Marso nilunsad ng DENR ang umano’y “whole of society approach” sa pagtanggol daw sa watershed. Pero hindi inimbitahan ang Masungi Georeserve Foundation at 30 NGOs na nagtatanim ng puno roon. Nagtalumpati si DENR Sec. Maria Antonia Yulo Loyzaga. Pangunahing bisita si Angelita Iñiguez Lee, may-ari ng dalawang quarries sa water­shed: Rapid City, Corp. at Quarry Rock, Inc.

vuukle comment

DENR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with