Pagkaing panlaban sa kanser
Sa araw na ito, tuturuan namin kayo ng ulam na mabisang panlaban sa kanser. Ito ay ang aming espesyal na ulam ng Top 4 anti-cancer foods.
1. Bawang at sibuyas – Sa pagsusuri, ang mga sibuyas ay malakas pumigil sa paglago ng cancer cells. Ang bawang ay may sankap na ally sulfides, na tumutulong sa pagsugpo ng kanser sa colon, suso, baga at prostate. Para maging epektibo, ang bawang ay kailangang durugin at prituhin ng kaunti. Huwag sunugin! Puwede ring kainin ng hilaw ang bawang, pero mag-ingat lang at nakahahapdi ito ng sikmura.
2. Shitake mushrooms na nabibili sa palengke – Ang Shitake mushroom ay may polysaccharides at lentinian, na nagpapalakas sa ating immune system (katawan). Kapag malakas ang ating immune system, mas hindi tayo magkakasakit. Sa Japan, ang mga pasyeteng nagke-chemotherapy ay pinapakain ng Shitake mushrooms para bumilis ang kanilang paggaling.
3. Carrots – Ang madilaw na prutas at gulay ay may taglay na vitamin A at lycopene na tumutulong makaiwas sa kanser. Kasama ang mga carrots, kamote, kalabasa at kamatis. Sa anim na taong pagsusuri sa breast cancer, napag-alaman na ang mga pasyenteng kumakain ng ganitong pagkain ay mas humaba ang buhay kumpara sa hindi kumakain nito.
4. Broccoli o cauliflower – Ang mga cabbages tulad ng bok choy, broccoli, cauliflower at brussels sprouts ay may sangkap na sulforaphane, na mabisang panlaban sa kanser. Sa pagluluto ng gulay, i-steam o lutuin lang ng bahagya na may kasamang olive oil. Huwag pakuluan ang gulay dahil mawawala ang bisa nito laban sa kanser.
Paraan ng pagluto:
1. Gamitan ng konting mantika lang. Igisa ang bawang at sibuyas.
2. Ilagay na ang half cup ng Shitake mushrooms.
3. Pagkaraan ng 2 minuto, ilagay ang one cup ng hiniwang carrots. Lagyan ng 2 kutsarang oyster sauce at one-fourth na basong tubig.
4. Pagkaraan ng 2 minuto, ilagay na ang two cups ng broccoli. Lagyan ng tubig kapag natutuyo na ang gulay. Maghintay ng 5 minuto hanggang maluto na ang gulay.
5. Huwag i-overcook ang gulay para maiwan ang sustansiya. Huwag ding damihan ang sarsa para manatili ang bitamina sa gulay.
Ihanda nang madalas ang ulam na ito at mababawasan ang tsansang magkasakit ng ating mga kapamilya.
- Latest