^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pagtatayo ng evacuation center, nararapat na

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Pagtatayo ng evacuation center, nararapat na

Hindi lamang bagyo, lindol at baha ang pumipinsala sa Pilipinas ngayon kundi ang tinatawag na shear line. Malawakang pag-ulan at pagbaha ang nararanasan sa maraming bahagi ng bansa sa kabila na wala namang bagyo o sama ng panahon.

Mula pa nang pumasok ang 2023, maraming lugar na sa bansa ang sinalanta ng ulan at baha dulot ng shear line. Kabilang sa naapektuhan ng shear line ang Region 2, 3,4, 4-A, 4-B, 5,6,8,9,10 at 11 kasama rin ang Bangsa­moro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Ayon sa report ng Office of the Civil Defense (OCD) umabot na sa 440,000 katao ang apektado ng grabeng pagbaha sa mga nabanggit na rehiyon. Nasa 1,461 pamilya ang nasa evacuation centers. Mahigit 10 naman ang namatay, apat na nasugatan at may dalawang nawawala.

Sa ganitong sitwasyon, muli na namang nakita ang kahalagahan nang pagkakaroon nang maayos at matibay na evacuation centers. Nang bumaha sa Naujan at Baco, Oriental Mindoro noong nakaraang linggo, nagsiksikan sa evacuation centers ang mga residente. Kinailangan pang gamitin ang mga publikong eskuwelahan para may pansamantalang matirahan ang mga inilikas na residente.

Ganito rin ang nangyari sa dalawang bayan sa Samar na nagkaroon nang grabeng pagbaha at inilikas ang mga residente. Nagsiksikan din sila sa evacuation centers. Ang ibang hindi na magkasya, sa labas na lamang ng evacuation centers namalagi.

Marami rin ang napinsala ng baha sa apat na bayan sa Negros Occidental at kinailangang ilikas din ang mga tao at dinala sa evacuation centers. Nagsiksikan din sila. Ang nakakatakot ay ang muling pagkalat ng COVID-19 dahil sa pagsisiksikan ng mga tao sa evacuation centers. Maaari silang magkahawahan.

Noong nakaraang Nobyembre 2022, tinalakay ng mga mambabatas ang kahalagahan ng pagkakaroon nang permanenteng evacuation centers. Marami sa mga mambabatas ang nagpahayag na dapat magkaroon sa bawat bayan nang permanenteng evacuation centers upang mayroong siguradong sisilungan ang mga apektado ng kalamidad. Maging ang mga senador ay nagpahayag na dapat nang magkaoon ng kanya-kanyang evacuation centers ang local government units.

Pero nakapagtatakang nawala na ang isyu sa pagtatayo ng evacuation centers. Nakalimutan na? Buhayin ang panukalang pagtatayo ng evacuation centers sa bawat bayan. Buhusan ito ng pondo at iprayoridad ang pagtatayo. Maraming kalamidad na tumatama sa Pilipinas at hindi ito maiiwasan. Ang kailangan ay may permanenteng evacuation na agad mapupuntahan sa biglaang pangangailangan.

vuukle comment

BAGYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with