Tips sa mahabang buhay at iba pang kaalaman
MAY pangkaraniwang tips sa kalusugan tulad ng pag-iwas sa paninigarilyo, pamumuhay nang maayos, regular na pag-ehersisyo at pagkain nang tama. Pero mayroon pang ibang mga paraan para maging mas malusog at humaba ang buhay.
1. Maging maingat—Ang maingat na tao ay mahaba ang buhay, ayon sa report ng Terman life-Cycle Study. Ang maingat ay isang kasanayan ng pagiging organisado at disiplinado sa iyong mga ginagawa. Ang maingat na tao ay maaaring mas alam ang kanilang pangangailangang pangkalusugan. Pinipili niya ang mas masustansiyang pagkain. Ipinapakita rin sa isang pag-aaral na ang mga batang hindi maingat ay namamatay ng maaga. Ang isang leksyon ay turuan ang ating mga anak na alalahanin ang kanilang kalusugan.
2. Isipin na bata ka pa—Kapag inisip mo na ikaw ay matanda na, mararamdaman mo na ikaw nga ay matanda na. Ngunit kung iisipin na ika’y bata pa ay ang iyong katawan ay susunod. Panatilihin na ikaw ay bukas sa mga bagong hamon at oportunidad kahit na ano pa ang edad. Maging maalam sa mga balita. Pag-aralan ang mga bagong technology sa halip na ito ay iwasan. Makisalamuha sa mga mas bata sa iyo para mahawahan ng kanilang lakas. Kumain ng sapat, huwag manigarilyo, at tumulong sa komunidad.
3. Panatilihin ang aktibong isip—Gamitin natin ang ating utak o kung hindi, ay manghihina ito. Samakatuwid, huwag agad na magretiro sa aPatuloy na gawin ang gusto mong gawin. Sa isang pag-aaral sa Rush University Medical Center sa Chicago, ang mga taong patuloy na aktibo sa pagbabasa, pag-aaral at paglutas ng mga puzzle ay halos 50% ang bawas sa sakit ng Alzheimers.
4. Manatiling payat—Bukod sa pagiging sobra sa timbang ay malinaw na isang kadahilanan ng panganib sa pagtaba ay ang sakit sa puso, diabetes at arthritis. Ang isang pag-aaral noong 2006 ng National Institute of Health ay nagpakita na ang pagtaas ng timbang ay konektado sa mas maikling buhay. Kaya maging masaya kung ikaw ay payat.
* * *
Kahalagahan ng calcium sa katawan
Ang calcium ay kadalasang naririnig sa mga produktong may kinalaman sa pagpapatibay ng ating buto. Nakakatulong ito sa mga bata at matatanda upang mapatibay at maiwasan ang pagrupok ng bato. Ngunit hindi lang ito ang maaring idulot ng calcium sa ating katawan.
Narito pa ang mga benepisyo ng calcium:
1. Nakakatulong upang maiwasan ang pagtaba.
2. Nakakatulong sa muscles ng puso.
3. Nakakatulong upang maiwasan ang colon cancer.
4. Nakakatulong upang maging maganda ang ating mga balat.
5. Ang mga pagkain na mayaman sa calcium ay gatas, keso, sardinas, orange, soymilk at yogurt.
* * *
Benepisyo ng lemon at calamansi water
1.Ang lemon at calamansi ay mayaman sa vitamin C at fiber na maganda sa balat, mata at puso.
2.Dahil mayaman sa Vitamin C, isa itong anti-oxidant na nagbibigay proteksyon sa selula at nakatutulong para makaiwasa sa sipon, lagnat at problema sa gilagid.
3. Ang mga citrus fruits, tulad ng lemon, dalandan, orange at calamansi ay mayaman sa Vitamin C na kailangan para ma-absorb ng katawan ang iron at hindi maging anemic.
4. Hindi pa tiyak pero baka makakatulong sa pagpapayat ang lemon dahil binabawasan nito ang ganang kumain. Kapag uminom ka ng lemon water ay mas busog ka. Kaya konti na lang ang makakain.
5. Dahil umiinom ka ng mas maraming tubig, makatutulong ito para hindi ma-dehydrate at kumulubot ang balat. Makaiiwas din sa pagbuo ng bato sa bato (kidney stones).
6. Mag-ingat lang dahil kapag matapang ang pagkakagawa ng lemon water, puwede makasama sa may ulcer at makasira ng ngipin.
7. Subukan ang ganitong timpla: Ihalo ang 1 lemon sa 1 litrong tubig. Tamang-tama ito.
- Latest