^

PSN Opinyon

Gen. Torre!, naka-score ng the first vs rogue POGO hub!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Naka-score na naman ng the first si CIDG director Brig. Gen. Nicolas Torre III nang salakayin ng mga tauhan niya ang rogue POGO hub sa Cavite at inaresto ang operator­ nito na inakusahan ng kidnapping ng dalawa niyang tauhan.

Iginiit ni Torre na kidnapping ang ginawa nina POGO operator Zhou Xin at kasamang si Juncheng Wang sa kani­lang mga kababayan.

“Nagulat ako dahil kidnapping na ang kaso na ito. Hindi nila pinigil ang kanilang biktima dahil sa utang,” sabi ni Torre.

Kasalukuyang nakipag-coordinate si Torre sa Chinese­ embassy bunga sa intel report na itong si Zhou ay isang fugitive sa China. Na-rescue ng CIDG team sa pamumuno ni Maj. Michael Visto, ng CIDG DSOU, ang mga biktima na sina Yuanjie at Yuanchao, na kapwa may torture marks sa katawan. Tsk tsk tsk! Parang sa pelikulang “No more bets” na naman.

Matatandaan na tinuldukan ni President Bongbong Marcos ang operations ng POGO sa bansa effective ng katapusan ng December. Kaya lang dahil malaki talaga ang kita, nagtayo ng rogue POGO operations si Zhou sa two-storey residential house sa Blk 3, Lot 145 Glenbrook 2, Lancaster New City, Brgy. Pascam 1, General Trias, Cavite.

At ang empleyado nila ay sina Yuanjie at Yuanchao. Ayon kay Torre, sinusuwelduhan ni Zhou ang dalawa ng P30,000 kada buwan. Noong una, ani Torre, ay mga encoder lang ang trabaho ng dalawang biktima hanggang sila na mismo ang taga-contact ng prospective victims sa raket na love scam at telecom fraud.

Ang quota na ibinibigay ni Zhou sa dalawa, ayon kay Torre, ay $60,000 kada buwan. Kapag hindi nakuha ng da­lawa ang quota, abayyyy tulad din sa pelikula, binubugbog, pinapalo at sinusunog ng sigarilyo. Araguyyy! Ang sakit sa bangs nito!

Nang magpaalam na ang dalawang biktima na aalis na sila sa two-storey house, hindi sila pinayagan at iki­nulong sa isang kuwarto. Siningil sila ni Zhou ng tig-P450,000 para makawala at pumayag ang dalawa para makahawak ng cell phone.

Kaya nakuhang tumawag ni Yuanjie sa kanyang boyfriend na si alyas Mak, na kaagad namang nagreport kay Torre, na inutusan si Visto na i-rescue ang dalawang biktima. Sanamagan! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Sinabi naman ni Visto na nagset-up sila ng entrapment operations at isang tauhan niya ay nagpanggap na si Mak para makapasok sa POGO house.

Nang matanggap na ni Zhou ang boodle money, nagbigay ang pulis ng pre-arranged signal at pumasok na si Visto at mga kasama.

Inaresto ang dalawang suspects sa second floor kung saan sa isang kuwarto ay na-rescue ang mga biktima. Dipugaaa!

Maliban sa boodle money, narekuber ni Visto ang isang kalibre .45 pistol, isang arnis stick, at iPhone text blaster kung saan may nakadikit na 50 devices pang-scam.

Hindi lang dolyar ang kinikita ng POGO Zhou kundi maging ang bitcoin na ginagamit sa U.S. Ayon kay Torre, kakasuhan ang mga suspects ng kidnapping, serious illegal detention at illegal possession of firearms. Hehehe!

Maganda ang pasok ng Bagong Taon kay Torre dito sa raid sa rogue POGO hub, no mga kosa? Abangan!

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with