^

PSN Opinyon

Gobyerno sa loob

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

CRIME command center, eto ang bagong tawag sa National Bilibid Prison (NBP). 

Ginagawang headquarters ng mga “high profile criminals­” na nakakulong sa loob para pagplanuhan ang kanilang krimeng ginagawa sa labas ng bilangguan. Kaya ang NBP, nasa sentro ng kontrobersiya ngayon. Hindi naman sikreto na ang pinuno ng mga hard core criminals tulad ng mga organisadong sindikato ay nasa loob ng bilibid.

‘Yung mga tinatawag na the brain o “utak” o pinuno, ay panghabambuhay ng sentensiyado dahil sa bigat ng kri­meng kanilang ginawa. Sila ‘yung walang tsansang mabigyan ng “parole” kaya pakuya-kuyakoy na lang sa loob hanggang malagutan na sila ng hininga. 

Bagama’t nakapiit ang mga lider ng mga organisadong crime syndicate ay masasabing hayahay pa rin ang kanilang buhay—pautos-utos, pamando-mando lang. Ang masaklap, nananatili ang kanilang kapangyarihang mag­bigay ng utos sa kanilang ng mga miyembro sa labas at isagawa ang anumang uri ng krimen. 

Kahit nakakulong, may mga naka-standby na financier­ sa labas ng Bilibid na nagpopondo o siyang “taya” sa anu­­­mang proyekto. “Proyekto” ang tawag sa kanilang mga tatra­bahuhin. Kesehodang ito ba ay bank robbery, kidnap­ping­ for ransom, assassination o pamamaslang sa mga “target”, maging ‘yung mga “gun for hire”, mga tirador galing sa loob. 

Sa pamamagitan ng sabwatan, naisasakatuparan ang nasabing project na pinondohan ng mga financier. May tinatawag ding project manager na tagalabas — siya ‘yung sina­sabing recruiter. Siya ang may plano, may escape route at kung anu-ano pang estratehiya kung papaano maisasagawa at maisakatuparan ang proyekto. 

Sa lumabas sa media nitong nakaraan, sa tono at timbre ng panawagan ng isang malaking kumpanya ng diyaryo­, inaakusahan nila ang National Bilibid Prison. Kulang na lang sabihin, gawin niyo ang clearing operations diyan sa loob, tulad ng ginawa noong panahon ni President Duterte. 

Hangga’t hindi nilinis ang loob, hindi magiging mapayapa ang ating lipunan sa labas. Bakit? Dahil may gobyerno­ sa loob na ang mga bumubuo ay mga sindikato. A govern­ment within the government.

NATIONAL BILIBID PRISON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with