^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Magdahan-dahan sa paggamit ng tubig

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Magdahan-dahan sa paggamit ng tubig

UNTI-UNTI nang bumababa ang level ng tubig sa mga dam sa Luzon dahil sa nararanasang init ng panahon. Noong Biyernes, nakaranas nang mataas na heat index sa ilang bayan sa Bulacan. Nang araw ding iyon, nabawasan ng 25 centimeters ang level ng tubig sa Angat Dam, mula sa dating 205.02 meters, naging 204.77 meters ito. Kahapon, grabeng init muli ang naranasan sa Bulacan at ilang probinsiya sa Luzon. Ayon sa PAGASA, tatagal pa hanggang Mayo ang nararanasang init ng panahon.

Hindi lamang ang Angat Dam ang nabawasan ng tubig kundi ang iba pang dam sa Luzon. Ang kalapit na Ipo Dam ay bumaba rin ang level mula 100.72 meters ay naging 100.65 meters. Ang La Mesa Dam sa Quezon City ay bumaba ng 79.59 meters mula sa dating 79,60 meters.

Bumaba rin ang level ng tubig sa Ambuklao Dam sa Benguet; San Roque Dam sa Pangasinan; Pantabangan Dam sa Nueva Ecjia; Magat Dam sa Isabela; at Caliraya sa Laguna.

Ang dahan-dahan at maingat na paggamit ng tubig ay nararapat nang gawin ng mamamayan para maiwasan ang kakapusan. Walang ibang solusyon kundi ang magtipid. Mas mainam na ngayon pa lamang ay magsimula nang magdahan-dahan sa paggamit ng tubig. Kung tatagal pa hanggang Mayo ang nararanasang init, lalo pang mababawasan ang tubig sa mga dam. Maaaring magkaroon ng kakapusan kung hindi papatak ang ulan sa Mayo. Paano kung maging mailap ang ulan at magpatuloy ang nararanasang init?

Magtipid na ang lahat sa paggamit ng tubig. Makiisa ang lahat. Mas magiging epektibo ang panawagan sa pagtitipid kung mauuna ang pamahalaan sa pagpa­pakita ng halimbawa. Simulan ng pamahalaan na ipag-utos sa lahat ng tanggapan na huwag hayaang bukas at tulo nang tulo ang mga gripo. Maraming government offices ang nag-aaksaya sa tubig. Hindi nila inaayos ang mga sirang tubo ng gripo. Patuloy ang tapon.

Marami rin namang leak ang mga tubo ng gripo sa kalye at tila napapabayaan ng Maynilad at Manila Water. May mga lubak sa kalye na walang tigil ang daloy ng tubig at naaaksaya.

Atasan ng DENR ang operator ng golf courses na gumamit ng recycled water at hindi tubig na galing sa gripo. Mayroong 10 golf courses na nag-o-operate sa Metro Manila. Ayon sa National Water Resources Board (NWRB), kumukunsumo ang golf courses ng 700 cubic meters hanggang 1,400 cubic meters ng tubig bawat buwan.

Maging halimbawa ang pamahalaan para tularan ng mamamayan sa pagtitipid ng tubig. Susunod ang ma­mamayan kung maayos ang namumuno sa pagtitipid.

PAGASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with