^

PSN Opinyon

Malalaman sa amoy kung may Parkinson’s

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

May bata noon sa Batangas na “naririnig” kung saan mara­ming isda sa dagat. Mula sa katig ng banka nilulublob niya sa tubig ang taynga, pinakikinggan ang kung ano, tapos ituturo sa mangingisda kung saan maglalatag ng lambat. May Dumagat sa bundok ng Quezon na “nalalasahan” sa dila kung uulan at kung gaano ito kalakas.

Iba ang kakayahan ng beteranong nurse na si Joy Milne ng Scotland. Naaamoy niya kung may Parkinson’s disease ang tao. Una niyang natuklasan ang galing nu’ng nagkaroon ng kakaibang amoy ang kanyang retiradong asawa. ‘Di nagtagal, nagkanginig sa kamay at bumagal ang kilos ng mister. Na-diagnose ito na may Parkinson’s. Tapos, sa support group ng mister ng mga may parehong sakit, napansin din niya ang amoy. Nakita sa pag-aaral na nade-detect niya ang amoy maski mahina, sa mga taong nagsisimula pa lang ang Parkinson’s. May isang pasyente nga na tiniyak niyang may sakit dahil sa amoy, maski wala pang sintomas maraming buwan bago ito makumpirma.

Nerve disease ang Parkinson’s. Namamatay ang mga neurons sa bahagi ng utak, ang “substantia nigra”. Bukod sa panginginig at tamlay, sintomas din ang pabagu-bago ng mood, hindi mahimbing na tulog at paghina ng pang-amoy. Hindi ito nagagamot.

Sinaliksik kung ano ang naaamoy ni Nurse Milne. Natuk­­lasan na sebum pala ‘yon, mala-langis na lumalabas sa balat. Kapag may Parkinson’s, mas dumaragsa sa sebum­ ang ilang organic substances, tulad ng dode­cane­, ace­tone at ethyl acetate. Kapag nag-react dito ang natural na yeast cells sa balat, lumalabas ang mister­yosong amoy.

Umimbento ang dalawang Chinese ng artipisyal na ilong. Kasinliit ng toaster, naaamoy ng computer ang kemikal. Alam na agad kung may Parkinson’s. Kaya lang 70% lang tumatama ang makina sa diagnosis. Hindi tulad­ ni Nurse Milne na siyento-porsiyentong tumpak ang pang-amoy. Sana magkaroon din ng artipisyal na taynga at dila.

JOY MILNE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with