^

PSN Opinyon

Tutulug-tulog ang mga pulis

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAPAKIBIT-BALIKAT ang aking mga kausap sa Navotas at Malabon, Fish Port sa ulat na ipinalabas ng National Capital Region Police Office na bumaba na umano sa 67% ang krimen sa Metro Manila. Kasi nga mula umano nang umupo si Northern Police District director C/Supt. Eric Serafin Reyes sunud-sunod na ang patayan na ang may kagagawan ay mga riding-in-tandem. Nitong nagdaang Biyernes, dalawa ang napatay na kinabibilangan nina Joey Baysa, security officer at Marissa Brondo sa walang habas na pamamaril sa Malabon, ang masakit nadamay pa ang walang muwang na si Clarito Tenolete, 7, na malubha ang kalagayan sa Tondo, General Hospital. Tulad nang inaasahan blanko ang kapulisan sa krimen dahil tutulog-tulog ang mga pulis at napapabayaan ang pagpatrulya sa kalye.

Bago pa man itong pangyayari isang beteranong pulis Caloocan ang tinambangan sa Caloocan City. Nakilala ang napatay na pulis na si SPO1 Rodrigo Antonio na nakatalaga sa Caloocan Police Community Precinct-1. Sa Navotas naman namatay din ang isang opisyal ng Bureau of Jail Management  and Penology  (BJMP) sa ambush pa rin. Nakilala ang biktima na si Jail Inspector Leo Jaucian, deputy warden ng Navotas City Jail. Kita n’yo na mga suki, walang sinasanto ang mga kriminal dahil kukuya-kuyakoy ang mga taga-NPD, hehehe!

Sa Dagat-Dagatan, Caloocan City naman ay napatay ang hog dealer na si Liza de Jesus nang bistayin ng bala ng di kilalang salarin. Holdap ang motibo subalit katulad ng inaasahan blanko rin ang kapulisan. Kasi nga tatlo pang trabahador ang nadamay sa pamamaril na kinabibilangan nina Jonel Varquez, taga-katay ng baboy ni De Jesus na malubha ang kalagayan matapos na tumagos ang bala sa kidney at kasalukuyan ginagamot sa Caloocan City Medical Center samantalang sina  Jimboy Baslote, 18, at Digno Yasay 18 na pawang stay-in worker din ni De Jesus ay nagpapagaling din na sa naturang ospital. Nasaan ang mga pulis-NPD?

Dismayado ang aking mga kausap dahil ang mga lugar na pinagyarihan ng krimen ay matao. Malinaw na kulang ang presinsiya ng mga pulis kaya naglipana ang mga kriminal. Kaya ang panawagan nitong aking mga kausap, sibakin ang mga pulis na tutulog-tulog sa pansitan, palitan ang mga opisyales ng di-pamarisan. Kung sabagay may punto rito ang aking mga kausap dahil kung ito ngang si NCRPO director Joel Pagdilao walang puknat ang paglilibot sa limang distrito ng kapulisan sa Metro Manila upang magbigay ng paalala na paigtingin ang Lambat Sibat ni Dating DILG Mar Roxas.  Kung inyong matatandaan, nitong nagdaan Sabado, 15 kilong dhabu ang nahuli sa isang Chinese National sa Roxas Boulevard Service Road kanto ng Pedro Gil Avenue. Patunay lamang ito na itong Southern Police District at Pasay City Police ay may team work sa pagsawata ng salot na droga. At sa tingin ko sa NPD kulang ang kanilang pagkilos para masawata ang droga at ang pamamayagpag ng mga riding-in-tandem criminals. Kailangan pa ba silang manatili sa puwesto PNP chief Ricardo Marquez? Ilan pang inosenteng mamamayan ang magbubuwis ng buhay bago mo sibakin sa puwesto ang patulog-tulog na pulis. Abangan!

ANG

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MEDICAL CENTER

CALOOCAN POLICE COMMUNITY PRECINCT

CHINESE NATIONAL

CLARITO TENOLETE

DE JESUS

DIGNO YASAY

METRO MANILA

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with