Rancho Bernardo: Pahingang sulit for the whole family!

Ramdam n'yo ba ang pagod at pagkangarag? Sunud-sunod ang mga ganap mula sa pagpanaw ni Pope Francis noong Abril hanggang sa pag-upo ni Pope Leo XVI, at ang makasaysayang halalan nitong Mayo. Nasa serbisyo publiko man kayo, taga-media, o simpleng mamamayang mulat sa mga isyu, hindi biro ang tagal at tindi ng pagsubaybay sa mga pangyayaring ito.
Sa gitna ng pang-araw-araw na hamon ng trabaho, magandang tandaang may katuturan din ang pahinga. Kailangan nating huminto paminsan-minsan — hindi lang para makabawi ng lakas kundi para malinawan tayo sa mga bagay na talagang mahalaga.
Para sa ating mga KasamBuhay, ang pahinga ay panunumbalik sa pamilya. Bilang asawa at inang may tatlong dalagita, mahalaga sa akin na makapasyal kami nang sama-sama. Higit sa materyal na bagay, malaking puhunan ito dahil sa mga alaalang sabay naming nabubuo.
Number one dapat ang pagiging present sa ganitong mga sandali. Kaya naman, matapos ang hectic na schedule, nag-weekend getaway kaming pamilya sa Rancho Bernardo Villas & Resorts sa Bagac, Bataan.

Mas mahalaga ang oras para sa pamilya
Quality time ang isa sa mga pinakamagandang regalo ng mga magulang sa kanilang anak. Nabibigyan kasi ng pagkakataon ang mga batang makahinga: Walang pressure sa eskwela, walang gadgets, walang istorbo. Malaya silang makapiling ng kanilang mahal sa buhay, at sa isang magandang lugar pa!
Ayon sa isang pag-aaral noong 2013, ang naaalala ng mahigit sa 60% ng mga adult ay ang family vacation noong bata pa sila. Bukod sa lugar, dahil ito sa malalim na panahon para mag-bonding ang magkakapamilya.
Hindi kailangang magastos ang family vacation. Ang importante, tumitibay ang samahan ng mag-anak sa tulong ng pagpapahinga mula sa pang-araw-araw na routine.
Makabuluhan ang aming pagbisita sa Rancho Bernardo. Hindi lang ito bakasyon o break mula sa pag-aaral at paghahanapbuhay. Paglalaan din ito ng panahon para sa mga mahal sa buhay na siyang dahilan ng ating pagsisikap.
Disenyong world-class na may pusong Pinoy
Tahimik at presko sa Rancho Bernardo. Nagtatagpo ang natural na ganda ng tanawin ng Pilipinas at ang European na estilo ng mga istruktura. Kaya aakalainin ninyong nasa Italy kayo o France. Detalyado kasi ang disenyo -- mula sa arched Roman bath hanggang sa replika ng Trevi Fountain. May eleganteng events place pa: ang Chateau de Gabrielle.
Kahit hango ang pangalan ng lugar sa Ranho Bernardo Inn sa San Diego, California, may pusong Pilipino pa rin ang Rancho Bernardo sa Bataan. Makakapagpahinga kayo rito at makapagninilay.

Maluwag ang aming villa. Komportable ang kama. May minibar rin. Para naman sa mga techie riyan, tulad ng tatlo kong teenager, may smart features ang kwarto na pwedeng paganahin sa tulong ng virtual assistant na si Alexa.
May Grand Villa at Royal Villa rin ang Rancho Bernardo. Makakapag-private jacuzzi kayo rito — perfect sa mga mag-partner. Garden plunge pool naman ang makikita sa Trianon Villas. Kung matagal-tagal naman ang inyong bakasyon, para sa inyo ang Marchioness Villas. Kanya-kanya ang ganda ng bawat villa para sa inyong trip na gawin.
Kung nais n'yo namang magbabad, mag-warm soaking na sa Roman bath. Kung gusto n'yo namang maglakad, naghihintay sa inyo ang Zen Garden at view deck. Dito masarap magsulat sa journal.
Makakapag-enjoy naman ang mga chikiting sa buggy tours, open spaces, at family-friendly na sports areas.
Pinakanamangha ako sa balanced vibes ng Rancho Bernardo. Pwede kayong tumambay lang at matulog kung tinatamad ka, puwede ka ring gumala at mag-adventure. Makakapili kayo kung paano kayo magpapahinga.

Lugar na babalik-balikan
Dinarayo rin ang Rancho Bernardo para sa mga espesyal na okasyon. Ginagamit ang Chateau de Gabrielle para sa mga kasalan at kaarawan. Ang resort naman, pang-reunion, retreat, at anniversary.

Kapag sinabing "pusong Pinoy," nakikita ito sa pagiging maalaga ng staff. Parang matagal na nila kayong kakilala, kaya de-kalidad ang kanilang serbisyo.
Hindi tuloy nakapagtataka kung bakit patok ang Rancho Bernardo sa kahit kanino — young couples, retirees, solo travelers, at malalaking pamilyang tulad namin.
Paalala ang aming weekend trip na hindi kailangang magpakalayo-layo para makapagpahinga. Minsan, sapat na ang isang tahimik na sandaling malapit sa kalikasan, sa sarili, at sa mga mahal sa buhay.
Madalas pinag-uusapan ang kahalagahan ng sipag at tiyaga. Pero kasinghalaga rin nito ang paghinto at pagpapahinga. May saysay ang paglaan ng oras para magsaya, magnilay, at magmahalan.
At para sa mga pamilyang tulad namin, paalala itong kahit isang weekend lang ay kayang magpatibay ng aming samahan.

Sa huli, iyon ang maaalala natin — hindi ang bonggang amenities o mahabang itinerary, kundi ang tawanan sa almusal, ang pag-abang sa palubog na araw, at ang katahimikan pagkatapos ng isang mahabang ganap.
Kaya, kung naghahanap kayo ng lugar para mag-reset, lalo na kung kasama ang pamilya — ako na mismo ang magsasabi: Sulit ang Rancho Bernardo!
----
Sundan ang aking social media accounts JingCastaneda: Instagram, Facebook, YouTube, Tiktok, at X. Ibahagi ang inyong kwento o mag-suggest ng topic sa [email protected].
- Latest