Health advisory (sa pagbisita ng Papa)
Mga sakit na pag-iingatan:
1. May nahihilo dahil sa init o low blood sugar (hypoglycemia).
2. May na-high blood pressure o sumakit ang dibdib dahil sa init at pagod.
3. May hinihimatay sa kakulangan ng oxygen sa dami ng tao.
4. May nagtutulakan at nasusugatan.
Heto ang aking payo:
1. Kumain muna at inumin ang maintenance na gamot bago pumunta.
2. Magdala ng sariling tubig inumin para makaiwas sa heat stroke.
3. Magsuot ng komportableng baro at sapatos dahil malayo ang iyong lalakarin.
4. Maglagay ng sunscreen o sunblock. Magsuot ng sumbrero kung mainit, o kapote (raincoat) kung umuulan.
5. Puwedeng magbaon ng tissue at alcohol, dahil baka sakaling gagamit ng kubeta.
6. Puwedeng magbaon ng gamot at biscuit kung sakaling mahilo.
7. Pumunta ng regular sa banyo o portalet para umihi. Masama ang matagalang pagpipigil ng ihi. Puwedeng magsuot ng adult diapers.
8. Umiwas sa may sakit at inuubo, at baka mahawa kayo.
9. Alamin kung nasaan ang health stations.
10. Bawal po magdala ng backpack o malaking bag.
Tandaan: Kung may karamdaman kayo, baka puwedeng sa TV na lang manood ng Papal visit. Ang taimtim na panalangin pa rin ang mas mahalaga.
God bless po.
- Latest