^

PSN Opinyon

Rep. Albee namumuro sa speakership

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

TATLONG kongresista ang sinasabing posibleng ipalit kay Martin Romualdez. Ito ay sina Toby Tiangco, Angelo Barba at Albee Benitez. Ngunit ayon sa aking source, nakalalamang si Benitez dahil hindi siya kamag-anak ni President Bongbong Marcos.

Sina Barba at Tiangco, gaya ni Speaker Romualdez ay mga kamag-anak pa rin ni President Bongbong. Si Barba ay pinsan niya, at si Tiangco ay isang Romualdez ang asawa.

Marami diumano ang bilib kay Benitez na kung siya ang Speaker, magkakaroon ng positibong reporma sa Kamara de Representante. Ang kanyang mga inisyatibo sa pagkakaroon ng mas malawak na pakikilahok ng publiko ay makakapanumbalik sa tiwala ng mga mamamayan sa Mababang Kapulungan.

Epektibo siyang spokesman at tagapagtaguyod ng mga repormang kapaki-pakinabang sa mamamayan, at kasama iyan sa kanyang katangian, anang ating source.

Si Benitez ay isang matagumpay na negosyante. May maalab na dedikasyon sa pag-unlad ng komunidad at sa pagsusulong ng mga patakarang magpapalago sa ekonomiya at tutugon sa mga pangangailangan ng ordinaryong Pilipino.

Kaya niyang pagkaisahin ang mga partido dahil siya’y non-partisan. Dahil dito, epektibo niyang maisusulong ang matibay na legislative agenda.

Ang kanyang praktikal at result-oriented na pamamahala ay maaaring bumuo ng isang Kongreso na nakatuon hindi lamang sa dami ng mga batas, kundi pati na rin sa kanilang kalidad at epekto sa mamamayan.

Malawak ang mga adhikain ng administrasyong Marcos: food security, digital reforms, regional development at mga reporma sa edukasyon. Dapat lang na ang lahat ng ito’y magkatotoo at hindi pulos salita lang.

Ang mga katangian ni Benitez ay magpapabilis sa pagsasabatas ng mga mahalagang lehislasyon tulad ng E-Governance Act, National Education Portal, Regional Investment and Equalization Act, at mga inisyatibo na naglalayong makamit ang zero drop out rates at buong access sa edukasyon.

Ang kanyang malalim na pag-unawa sa dynamics ng lokal na gobyerno ay nagbibigay sa kanya ng matibay na batayan para sa makabuluhang mga reporma sa debolusyon na umaayon sa ganap na pagpapatupad ng mandato ng Mandanas-Garcia ruling.

Kung magiging Speaker si Benitez, magiging institutionalized ang mga reporma na magsisilbing pamana sa mga susunod na henerasyon ng pamahalaan.

MARTIN ROMUALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with