^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Huwag buwagin pero rebisahin ang VFA

Pilipino Star Ngayon

TUTOL si President Noynoy Aquino sa pana­wagang buwagin na ang Visiting Forces Agreement (VFA). Sabi niya nang magsalita sa ika-70 anibersaryo ng World War 2 Leyte Gulf landing, bakit kailangang buwagin ang Visiting Forces Agreement gayung ang kasalanan ng isa ay hindi naman kasalanan ng lahat. May kaugnayan iyon sa kaso ng pinatay na transgender sa Olongapo City na ang suspect ay isang sundalong Kano. Wala raw dahilan para buwagin ang VFA gaya nang pana­wagan ng ilang kongresista. Hindi lamang si P-Noy ang tutol sa pagbuwag sa VFA kundi karamihan sa mga mambabatas. Sabi ng mga mambabatas, kailangan daw ang VFA para sa seguridad ng bansa lalo pa’t may iringan sa West Philippine Sea. Kailangan daw ang VFA para may magtatanggol sakali’t lusubin ng mga kaaway.

May katwiran naman si P-Noy at mga mamba­batas para tutulan ang pagbuwag sa VFA. Mahalaga ang tulong ng mga Kano kapag sinalakay ng kaaway o magkaroon ng komprontasyon. Umaasa pa rin ang Presidente na hindi pababayaan ng US ang Pilipinas sa bingit ng kaguluhan. Subalit dapat din naman siyang kumilos para maprotektahan ang mga kababayan. Isa sa dapat gawin ay rebisahin ang isinasaad ng VFA ukol sa mga sundalong Kano na makagagawa ng kasalanan habang nasa bansa at nagsasagawa ng military exercises.

Nakasaad sa VFA na ang mga sundalong Kano na makagagawa ng kasalanan ay hindi maaaring maikulong kapag napatunayan sa regular jail kundi dapat ilagay sa custody ng US Embassy. Nakasaad din na dapat ay isampa agad ang kaso sa sundalong Kano dahil mawawalan ito ng saysay kapag tumagal o hindi agarang i-file.

Anong klaseng kasunduan mayroon ang VFA at pawang pabor sa sundalo? Paano naman ang mga ginahasa, minolestiya o pinatay na Pilipino? Halimbawa ay ang transgender na si Jeffrey “Jennifer­” Laude na pinatay umano ni PFC Joseph Scott Pemberton sa isang motel. Hanggang ngayon, hindi pa pinalulutang si Pemberton. Hindi ito dumalo sa pagdinig kahapon. Ang apat na sundalong witness naman ay nakaalis na ng bansa.

Kung ayaw buwagin ang VFA, iutos naman na rebyuhin ito sapagkat maraming “butas”. Kawawa ang mga susunod pang biktima ng mga sundalong Kano.

JOSEPH SCOTT PEMBERTON

KANO

LEYTE GULF

NAKASAAD

OLONGAPO CITY

VFA

VISITING FORCES AGREEMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with